Patulong po kailangang ko na po ito
1. Iba’t ibang reaksyon ang ipinamalas ng mga katutubo sa pananakop ng mga Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng naging damdamin ng mga katutubo laban sa mga dayuhan?
A. Ang galit ng mga katutubo ay sumiklab sa ginawang pagsalakay ng mga Espanyol.
B. Ang komunidad ng mga katutubo ay ipinantanggol nila laban sa mga dayuhan.
C. Malugod na tinanggap ng mga katutubo ang Katolisismong dala ng mga Espanyol.
D. Napanatili ng mga katutubo ang natatanging kultura nila sa kabila ng banta ng mga Espanyol.
2. Sa kabila ng mga pagtatangka ng mga katutubong lumaban sa mga Espanyol, nabigo ang karamihan sa mga pag-aalsang ito. Ang sumusunod na pahayag ay mga dahilan ng pagkabigo ng mga Filipino maliban sa ________.
A. Pagiging watak-watak ng mga katutubo sa mga ginawang pag-aalsa.
B. Walang sapat na armas ang mga katutubo laban sa malalakas na armas ng dayuhan.
C. Tinanggap ng buong puso ng mga katutubo ang pamamalakad ng mga Espanyol.
D. Pakikipagsabwatan ng ibang katutubo sa mga Espanyol at laban sa kapwa katutubo
3. Nahirapan ang mga Espanyol na ihinto ang pag-aalsa ng mga katutubong taga-Cordillera. Ano ang ginawa ng mga Espanyol sa mga katutubong taga-Cordillera? *
A. Pinatalsik ng sapilitan sa Cordillera at dinala sa ibang lugar sa Pilipinas.
B. Sinunog ang kabahayan at sinira ng mga Espanyol ang kanilang mga kabuhayan.
C. Pinadala sila sa ibang bansa at doon na tuluyang nanirahan ang mga katutubo.
D. Lahat ng nabanggit.
4. Ano ang tawag sa mahaba at marahas na tunggalian ng mga Muslim at mga Espanyol sa Mindanao at Sulu?
A. Digmaang Muslim
B. Digmaang Mindanao
C. Digmaang Moro
D. Digmaang Sulu
5. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang ilang piling katutubong pangkat sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. Kaunti ang mga tauhan ng mga katutubong pangkat at kulang sa armas
B. Naging palakaibigan ang mga katutubong pangkat nang dumating ang mga Espanyol.
C. Hindi sapat ang kaalaman sa pakikidigma ng mga ipinadalang Espanyol sa lugar.
D. Sinikap ng mga katutubong pangkat na huwag sumuko laban samga Espanyol.
6. Mahigpit ang naging pagtutol ng mga katutubong Muslim sa pananakop ng mga Espanyol. Ang sumusunod ay dahilan ng kanilang pagpapanatili at pakikipaglaban para sa Sultanato, maliban sa isa.
A. Nakasanayan ng mga katutubong Muslim ang sultanato kaysa sa kolonya.
B. Nais nilang tanggapin ang kapangyarihan ng Spain upang umunlad sila.
C. Nakatatak na ang kulturang Muslim sa pamumuhay nila sa sultanato.
D. Alam nilang babaguhin ng mga Espanyol ang kanilang relihiyong Islam.
7. Paano isinagawa ng mga Espanyol ang pagpapatupad ng patakarang divide and rule na ang lupain ay pagwatak-watakin ang mga katutubo Filipino?
A. Nagtalaga sila ng mga katutubo upang kalabanin ang kapwa-katutubo.
B. Nakipagkaibigan ang mga Espanyol sa maraming mga katutubong Filipino
C. Ginawa nilang kristiyano ang mga katutubo at kasalanan ang makipaglaban.
D. Binayaran ng mga Espanyol ng lahat ng katutubo upang hindi na mag-alsa
8. Bakit mas katanggap-tanggap sa mga Muslim ang mga sultanato sa Mindanao kaysa pamaraang kolonyal ng mga Espanyol?
A. Higit na nakasanayan ng mga Muslim ang sultanato kaysa kolonya
B. Papalitan ng kakaibang relihiyon ang sultanato sa ilalim ng kolonya.
C. Hindi pananakop at walang puwersahan sa pagsunod ang mga Muslim sa kapangyarihan ng sultan.
D. Nais nilang kilalanin ang kapangyarihan ng hari.
9. Bakit hindi na impluwensiyahan na maging Kristiyano ang ilang pangkat ng mga katutubongPilipino ?
A. Dahil sila ay mga Pagano at Muslim
B. Dahil sila ay dating mga Pagano
C. Dahil sila ay nanlaban at hindi narating ang mga liblib at malalayong lugar.
D. Dahil sila ay nanirahan sa mga lungsod at may mga armas.
10. Naging mahirap ang kalagayan ng mga katutubong Filipino sa pagbabago ng pamahalaan sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol. Ano ang dahilan?
A. Naging mapang-abuso at hindi pantay ang pagtingin ng mga pinuno sa katutubo.
B. Napanatili ng pamahalaan ang katahimikan at kaayusan sa buong kolonya nito.
C. Maraming Filipino ang pinayagang humawak ng mga posisyon sa pamahalaan.
D. Naging ganap ang kapangyarihan ng mga pinunong katutubong Filipino.
Share
Answer:
1. c
2. a
3. a
4. c
5. d
6. b
7. a
8. a
9. c
10. a
Explanation: