Patulong po need na po kasi
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang Duplo at Karagatan ay isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan. Ang Karagatan ay isa larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao, subalit sa Katagalugan ang Karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng isang prinsesa. Ang halimbawa ng Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang singsing ng isang prinsesa ay nahulog sa gitna ng dagat, pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang makakakuha nito.
Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang madulang debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili
Katangian ng Duplo at Karagatan
Katangian ng Duplo
tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa babae.
ang mga maglalaro ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan
ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay
Explanation:
Credit to theanswerme