Piliin ang MALAKING TITIK ng tamang sagot..
A. Obras Pias
B. Compania Real
C. Monopolyo sa Tabako
D. Sistema ng Isahang Pagtatanim
1. Nagpasimula ng sistema ng pagbabangko sa bansa.
2. Nangangasiwa sa Kalakalang Galyon o ang pamimili at pagluluwas ng mga produkto sa pagitan ng Mehiko at Pilipinas.
3. Itinaguyod ni Gobernador-Heneral Basco y Vargas noong 1782 upang lumaki ang inaasahang kita ng pamahalaan.
4. Naitatag ang sistemang ito sa buong bansa upang maging espesyalisado ang mga lupain para sa pandaigdigang pamilihan.
II. Piliin kung TAMA o MALI ang sinasaad sa bawat bilang.
5. Lumago ang mga perang ipinauutang ng mga namumuno sa Obras Pias.
6. Si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera ang nagtatag ng monopolyo ng tabako.
7. Ang salaping pondo ng Obras Pias ay kaloob ng mga mayayamang tao sa mga relihiyoso.
8. Si Jose Basco y Vargas ay isa sa mga pinakamahusay na naging Gobernador-Heneral ng bansa.
9. Sa patakaran ng monopolyo ng tabako, maaaring makihati ang magsasaka sa tabakong kanyang itinanim.
10. Maraming kaluwagan ang ipinagkaloob sa Compania Real tulad ng monopolyo sa kalakalan at hindi pagbabayad ng buwis.
Share
1 Replies