Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap
na naghuhudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin.
________ 1. Ako ay ______ na matutuwa ka sa iyong mapapanood.
________ 2. Kung hindi ako ______, si Ana na ang bagong halal na pangulo ng ating samahan.
________ 3. Ako ay _________na hindi ako magaling, ngunit ginagawa ko nangmaayos ang aking trabaho.
________ 4. Base sa aking ________, mas mainam bumiyahe sa madaling arawupang makaiwas sa trapiko.
________ 5. Hindi nagustuhan aking mga magulang ang bagong
panuntunan ng paaralan sa __________ ko.
PAGPIPILIAN
nagkakamali
aminado
sigurado
karanasan
pakiwari
Share
Answer:
1. Ako ay sigurado na matutuwa ka sa iyong mapapanood.
2. Kung hindi ako nagkakamali, si Ana na ang bagong halal na pangulo ng ating samahan.
3. Ako ay aminado na hindi ako magaling, ngunit ginagawa ko nang maayos ang aking trabaho.
4. Base sa aking karanasan, mas mainam bumiyahe sa madaling araw upang makaiwas sa trapiko.
5. Hindi nagustuhan ng aking mga magulang ang bagong panuntunan ng paaralan sa pakiwari ko.