Pillin at salungguhitan ang pangunahing diwa ng bawat isa.
1. Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda pagpunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ay araw ng kaniyang kasal.
2. May iba't ibang kahulugan ang mga kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula naman ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganahan naman ang berde at kalungkutan ang itim,
3. Ang aklat ay nagbibigay ng impormasyon. Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nababago rin. Ang lahat ng bagay ay matututunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
4. Sa isang padiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. May bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.
5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa ayala makati. Kilalang kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at mga palasyong bahay ng mga milyonaryo. Naririto rin ang mga hostels at restaurant na tanyag. Ang Makati ang isa sa mga pinakamayamang lungsod ng bansa.
Share
Answer:
1 maagang nagising Ang lahat Ng tao sa bahay ni Mang Isidro
2. Ang paksang ito ay tungkol sa mga kilay at mga kahulugan nitong mga kilay
3. Ang aklat din Ang magdadala satin sa acting mga pangarap
4.pagdiriwang Ng kapaskuhan at pagpapasalamat sa diyos
5.kilalang Kilala Ang lungsod na ito