pinagmulan o etimolohiya ng pamagat ng akdang el filibusterismo
Share
pinagmulan o etimolohiya ng pamagat ng akdang el filibusterismo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang nobelang “El Filibusterismo” “o Ang Paghahari ng Kasakiman (The Reign of Greed) ang sumunod sa akdang “Noli Me Tangere” o Huwag mo Akong Salingin (Touch Me Not) na sinulat ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala sa katawagang Dr. Jose Rizal ay tumatalakay sa mga kanser ng lipunan, isang pampulitakang nagpapadama, nagpapagising at nagpapaalab ng mga damdamin ng bawat mamamayang Pilipino sa pagbabalik tanaw sa 333 taon na pananakop ng mga Español sa Pilipinas na nagsimula nagsimula noong 1521.
Ito ay buong pusong inialay ng may akda sa kaniyang mga naging inspirasyon sa pagaaklas gamit ang panulat at hindi ang dahas, ito ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos at Padre Jacinto Zamora na pinatay sa pamamagitan ng pagga-garote.
Sinimulan ng ating magiting na bayaning si Rizal ang pagsusulat nito noong 1890 sa London, Inglatera at natapos noong Marso 29, 1891. Malaking bahagi ng akda ang isinulat sa Bruselas, Belgica. Dahil sa kakulangan ng pondo ay nahirapan si Jose Rizal na ipalimbag ito. Ang mayamang si Valentin Viola, kaibigan ni Rizal ang nagpahiram sa kaniya ng pera upang maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.Kaya ito ipinapabasa sa mga kabataan na nasa ika-10 baitang dahil ito ay may hangaring magpatamo ng tunay na kaalayaaan at karapatan ng mga Pilipino sa sariling bayan.