please don't answer for points
please answer it properly or i will report you (no hate)
Palakas nang palakas ang ihip ng hangin na may kasamang ulan. Nag-alala si Raymond sa maaring mangyari kapag nagpatuloy ang ganitong lagay ng panahon. "Inay, malakas po ba ang parating na bagyo? Baka po kasi bumaha. Ano po ang maaaring mangyari sa mga kabaranggay natin na nakatira sa mabababang lugar?" ang pag aalalang wika ni Raymond sa ina. "Naku! Talagang malakas dahil super typhoon daw ito. Tiyak na babaha sa mabababang lugar at aapaw ang ilog," paliwanag ng ina. Magdamag na nagpatuloy ang masamang panahon at tuluyan na ngang niragasa ng bagyo ang lugar nina Raymond. At naganap nga ang kinatatakutan niya ang malalim na baha. Nasira ang mga linya at posteng koryente kaya't blackout sa maraming lugar. Kinabukasan, may isang pamilya na kumatok sa kanilang pintuan upang makituloy dahil tinangay ng tubig ang bahay nila sa tabi ng ilog. Buong pusong pinatuloy ng mag-anak nina Raymond ang pamilyang nangangailangan. Agad silang binigyan ng damit at tuwalya, pinakain at ipinaghanda ng matutulugan.
1.Paano tinanggap ng mag-aaral ang mga nangangailangan ng tulong?
2. Magtala ng tatlong paraan na kaya mong gawin upang makatulong sa tahanan, paaralan, at bayan?
3.Ano ang maaaring mangyari sa mga taong naninirahan sa tabi ng ilog?
4.Ano ang lagay ng panahon noong araw na iyon?
5.Bakit nag-aalala si Raymond?
Share
Answer:
1. Paano tinangap ng mag-aaral ang mga nangangailangan ng tulong?
- tinangap nya ito nga buong puso at hindi siya nagdadalawang isip na patuluyin ang taong nanganagailangan ng tulong niya.
2. Magtala ng tatlong paraan na kayo mong gawin upang makatulong sa tahanan, paaralan, at bayan?
- tahanan, tumutulong sa mga gawaing bahay
- paaralan, tumutulong sa mga gawain ng paaralan
- bayan, tumutulong maglinis ng mga basura at tumutulong mag tanim ng mga puno.
3. Ano ang maaaring mangyari sa mga taong naninirahan sa tabi ng ilog?
- Ang iba ay mamatay at mawawalan ng kanilang mga gamit at bahay dahil sa pinsala ng bagyo.
4. Ano ang lagay ng panahon noong araw na iyon?
- umuulan nga malakas at malakas na hangin ang paparating dahil sa pinsala ng super typhoon.
5. Bakit nag-aalala si Raymond?
- nag-aalala si raymond dahil maraming tao ang nakatira sa tabing ilog at may syansyang malunod ang mga bahay nang naninirahan don.
hope its help
mark me as a brainliest