please help me i mark brainlliest answer
Share
please help me i mark brainlliest answer
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang kasuotan ng mga Pilipino ay nagbago na noong mga nakaraang panahon at henerasyon. Tayo ay nagkaroon ng mga makalumang damit na dala ng mga Espanyol tulad ng barong at baro't saya. Ito rin ay nagbago dulot ng mga amerikano at modernong panahon tulad ng mga Tuxedo at sweaters.
Sa pagkain rin ay marami tayong pagbabago tulad ng hamonado at sikat na lechon na dala sa atin ng mga Espanyol. Tayo rin ay mayroong mga Ice cream at milkshake na dala ng mga Amerikano at sushi na dala naman ng mga Hapon
Ang relihiyon rin natin ay nagkaroon ng malaking pagbabago. Noon, tayo ay sumasamba sa kalikasan at kay Bathala. Ngunit dahil sa Kristiyanismo ay nabago ito dulot ng pananakop ng mga Espanyol. Tayo rin ay mayroong protestante na dulot ng mga Amerikano.
Ang edukasyon rin natin ay nabago. Noon ay natututo tayo mula sa ating mga magulang lamang. Natututo tayo kung paano mangaso at maghanap ng pagkain sa kalikasan. Ngunit ito ay binago ng mga Espanyol nang dalhin nila ang mga Paaralan at makabagong edukasyon. Subalit, ang mga babae at lalaki ay hiwalay na nabago lamang noong panahon ng mga Amerikano.
Panghuli, ang pamahalaan at pamayanan natin ay nagbago rin. Tayo ay naimpluwensiyahan ng mga Espanyol at Amerikano na pinalitan ang mga Datu ng mga makabagong lider at pamamaraan ng pamumuno.
Hope it helps :)