please need ko ans-wer talaga ngayun.
mga kuya at ate grade 3 lang a.ko eh
mahina utak ko.
C.Panuto: Basahin ang kwentong "Magkaibang Mundo". Hanapin at isulat ang mga sumusunod na pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
"Magkaibang Mundo"
Tahimik at simple ang pamumuhay ni Nerry sa nakagisnan niyang baryo. Kung gusto niya ng sariwang gatas, pupunta lamang ang kaniyang tatay sa bukid upang gatasan ang kanilang mga baka, Kung gusto niya ng pinakbet, pipitas lamang ang kaniyang nanay ng mga gulay sa kanilang bakuran upang lutuin. Marami rin siyang kaibigan. Masaya at lagi silang sama-sama sa pagpasok sa paaralan, sa paghahabulan sa malawak na bukirin at sa paglalaro ng bahay-bahayan. Si Trining naman ay batang nakatira sa lungsod. Sa isang mataas na gusali nakatira si Trining at ang kaniyang pamilya. Kapag gusto niya ng gatas, pupunta lamang ang kaniyang nanay sa groseri. Kapag gusto niyang maglaro, sasamahan siya ng kaniyang tatay sa isang mall. Marami rin siyang kaibigan pero hindi sila naglalaro. Sabay-sabay lamang sila sa pagpasok sa paaralan sakay ng isang dilaw na school service.
Share
Answer:
tao-nerry,mga kaibigan,nanay,trining,at ang kaniyang tatay.
hayup-baka
Explanation:
pa rate po