Please paki sagut po nito
Share
Please paki sagut po nito
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
t natin sa ating kapwa ang tutulong sa atin na mas maging malapít sa isa’t isa. Ito ay nakaaakit na gumawa pa ng higit para sa kapakanan ng nagpasalamat. Nakarepresko din ito sa nagpahayag ng pasasalamat yamang ito ay isang uri ng pagbibigay.
Kanino tayo dapat magpasalamat?
Ginagawa ang pagbibigay ng liham ng pasasalamat sa isa na marahil ay nakagawa sa iyo o kahit isa ng isang bagay na mabuti; o kaya naman ay nakakitaan mo ng kahusayan sa katangian, desisyon o bilang inspirasyon. Nakalulungkot, ang personal na pasasalamat, sa sulat man o bibigan, ay tila unti-unti nang nalilimutan. Hindi na nakikita ang kahalagahan ng pasasalamat sa kapwa. Kung hindi tayo mag-iingat, baka mahawa na rin tayo sa karamihan na hindi marunong magpasalamat. brainly.ph/question/548753 Ang paggawa ng liham ng pasasalamat ay parang halaman. Kailangan itong linangin para mamulaklak.
Isang halimbawa nito ay makikita mismo sa loob ng pamilya. Ang mga magulang ay nagtatrabahong mabuti para paglaanan ang kanilang mga anak. Ang kanilang mga anak ay nasa kalagayan na kusang maglalaan ng isang simple, sariling sikap at hindi lang basta biniling thank you card para sa kanilang mga magulang upang ipadama ang kanilang pagpapahalaga sa mga pagsisikap ng kanilang mga magulang.
Ang mga magulang na mapagpasalamat sa isa’t isa ay nagpapakita sa kanilang mga anak na ang gayong pananalita ay nagbibigay ng kaluguran sa tumatanggap, nagpapaganda ng samahan sa pamilya, at tanda ng pagkamaygulang. Ang isang liham na bukas para basahin ng buong pamilya ay isang mahusay na halimbawa dito. Sila din ay maaaring gumawa ng liham ng pagpapasalamat sa mga anak kahit na ang ginagawa nila ay talaga namang dapat lamang nilang gawin.
Kapag hindi tayo nakapagpapasalamat, maaaring hindi naman ibig sabihin nito na wala tayong utang-na-loob, nalilimutan lamang natin ito. Talaga nga bang ganoon kahalaga na hindi lamang tayo dapat makadama ng pasasalamat kundi dapat din natin itong sabihin?
Karaniwan nang malalaman ang sagot dito sa isang nakatanggap na ng liham. Ayon sa ilang karanasan, sa tuwing sila ay nanghihina- muli’t-muli ay binabasa nila ang liham na ito na nagpapalakas sa kanila na patuloy na gumawa.
Kumusta tayo? Kapag ginawan tayo ng mabuti, agad ba tayong nagpapasalamat at, kung posible, ipinakikita ba natin iyon sa pamamagitan ng liham o card?
Ilan sa mga tips sa paggawa ng thank you card:
1. Bumuo ng mga taimtim na mga salitang galing sa puso.
2. Maaari kang gumawa ng isang tula, kanta o gumuhit ng mga larawan.
3. Naglalakip ang ilan ng larawan o remembrance.
4. Gumawa ng record na makakatulong sa isa na makita ang espesyal na mga katangian o nagawa ng isang taong nais bigyan ng card
5. Ang sulat ay hindi naman kailangang mamahalin. Ang sariling sulat-kamay ay mas pinahahalagahan kaysa sa nakaimprenta.
6. Piliin ang tamang panahon na ito ay ibibigay
Tandaan, hindi lamang ito tanda ng mabuting pag-uugali kundi katibayan din ng pag-ibig. Kaya mabuting tanungin ang sarili, ‘Kailan ako huling nagpasalamat sa isang kapitbahay, katrabaho, kaeskuwela, doktor o nars, tindera, o iba pang tumulong sa akin?’
Tingnan ang isang halimbawa ng liham ng pasasalamat para sa isang guro: brainly.ph/question/1892504
Ginagawa din natin ito kahit sa isa na hindi gumawa nito sa atin. Ang tunay na kabutihan na ipinaliwanag sa brainly.ph/question/1929645 ay mag-uudyok sa atin na magkusa. Makikita mo, siya man din ay mahihikayat na maging tunguhin na maging mapagapasalamat hindi man lage sa paraan ng pagbibigay ng sulat, kundi sa sarili niyang paraan. Ang totoo, maraming mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
Explanation: