Please pasagot po. E ARRANGE NYO LANG NAMAN PO ITO.
Panuto: Isulat at isaayos nang wasto ang sunod-sunod na mga pahayag sa
dokumentaryong panradyo na matatagpuan sa ibabang bahagi upang mabuo ang iskrip. Gayahin ang pormat at gawin ito sa hiwalay na papel.
Mga Pahayag
1. (MAGICAL SOUNDS)
2. (PALAKPAKAN)
3. (TUNOG NG UMIIYAK NA BATA)
4. Aba, Juan, sa panahon ngayon mahirap na ang maging kampante,
hindi ba, Dok?
5. (HIHINGA NANG MALALIM)
6. Delikado pala iyan! Nakamamatay ba ito, Dok?
7. (INUUBO)8. Isipin mo, 85 milyong katao ang nagkaroon ng COVID-19 sa buong
mundo; ang iba ay namatay; ang iba naman ay patuloy na lumalaban
samantalang mayroon pa ring patuloy sa paglabas sa bahay.
9. Kaya nga po lalo tayong mag-ingat ngayon sapagkat ang virus na ito
ay 50% hanggang 70% ang bilis na makahawa hindi lang sa tao kundi
pati na rin sa hayop.
10. Maganda ang pag-uusapan natin ngayon sapagkat mainit at
napapanahon itong balita. Ang bagong strain ng COVID -19 ay nasa
Pilipinas na!
11. Magandang araw sa inyo, Juan at Vicky, ang COVID-19 or SARS-
CoV2 ay hindi kaagad-agad mapipigilan. Dahil ito ay virus, madali
para sa mga ito na pumasok sa loob ng katawan ng tao. Kahit na
sobrang liit nito, may kakayahan pa rin itong magbago. Nagbago at
tinawag nga ang pagbabagong ito na B117.
12. Magandang araw sa inyong lahat!
13. Magandang araw, Juan!
14. (MALUNGKOT NA TAWA)
15. Nakatatakot lalo ngayon ang COVID-19, Juan. Madali pang
makahawa, madali pang dumami. Kaya dapat tayong mag-ingat lalo
na kung may kasama, katabi o kausap na inuubo. Huwag ding
basta-basta kakain ng karne ng mga hayop dahil nahahawa na rin
sila.
16. Naku, hindi pa nga tayo tapos sa isa, nagbagong anyo naman agad
ang virus na iyan. Kahirap naman talaga.
17. Paalam na rin sa iyo Juan at sa ating tagapakinig. Paalam sa inyo.
18. Paano ba, Juan marami na tayong impormasyong nakalap tungkol
sa bagong variant ng COVID – 19, tinatawag na pala itong B117.
Mag-ingat tayo at huwag kalimutan ang health protocol.
19. (PALAKPAKAN)20. Para higit nating malaman ang tungkol sa bagong strain ng COVID-
19, nandito si Dr. Chris para maipaliwanag kung paano tayo
makaiiwas sa virus na ito.
21. Pero hindi naman siguro lahat ng inuubo ay may virus na. Baka
mamaya sila ay nasamid lang o kaya ay may nakaing nagpakati ng
kanilang lalamunan.
22. Si Dr. Chris ay isang kilalang virology na espesyalista sa pag-aaral
tungkol sa mga virus. Dok, ano ba ang bagong strain ng COVID -19
na ito?
23. Tama ka riyan, Dok. Maraming salamat sa mga impormasyon na inyo
pong ibinahagi. Malaking tulong po ito sa amin at sa ating
tagapakinig para makaiwas sa B117.
24. Tama ka riyan, Vicky. Health Protocol ang mahalaga sa atin ngayon
para makaiwas sa nakamamatay na virus. Hanggang sa muling
talakayan Vicky. Paalam.
25. Tama po kayo riyan. Kaya ‘wag pa rin nating kalimutan at dapat
nating ugaliin ang paghuhugas ng kamay, magwisik ng alcohol,
pagsusuot ng facemask, pag-iwas sa maraming tao, at paghawak sa
ating mukha lalo na sa mata, ilong at bibig.
26. (TUNOG NG AMBULANSYA)
27. (TUNOG NG PAGSARADO NG ATAUL)
28. Wala pang indikasyon na ang B117 ay nakamamatay pero ang
variant na ito ay mas mabilis makahawa. Mabilis din itong dumami
kaya may posibilidad na nakamamatay rin ito dahil pag dumami ito
sa respiratory track ng isang tao, mas mabilis itong kumalat, at
nailalabas ito sa pamamagitan ng pag-ubo at pagsasalita.
29. Walang anoman. Salamat din po.
Share
Answer:
naghahanap din po ako ng sagot