please patulong po please
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang lakandiwa, mambabalagtas at manonood ay ang mga bumubuo sa elemento ng tauhan sa balagtasan. Narito ang ginagampanan ng bawat isa.
Lakandiwa
Ang lakandiwa ang tagapagpakilala ng mga mambabalagtas at ng paksa na paglalabanan sa gaganapin na balagtasan. Siya ang kadalasang unang nagsasalita bilang tagapagbukas o tagapagbungad. Siya rin ang tagapamagitan at tagahatol.
Mambabalagtas
Ang mambabalagtas naman ay tumutukoy sa mga taong nakikipagbalagtasan. Sila ang mga makatang lumahok para talakayin ang paksa.
Manonood
Ang mga manonood ang tagapakinig sa balagtasan. Sa kanila mababakas kung mahusay ba ang isang mambabalagtas.