pls answer this I'll BRAINLIEST good answers but report none sense answers
the story about : Lata Mo, Buhay Ko
Wheelchair...sa Oras na marinig mo ito, ano ang unang naiisip mo? para sa mga maykapansanan, ang wheelchair ay binibili nang mahal sa pagawaan. Ngunit sa tulong ng bagong proyekto ng Tahanang Walang Hagdan o TWH naging posible ang pagkakaroon nito Lalo na Ng mga nangangailangan nito. Hango ito sa proyekto ng SM Foundation na "1000 Rings of soda cans for a wheelchair" na sinimulan noong 1996.Ngunit,hindi nakasaaapat ang mga ito upang makabuo ng isang wheelchair kung kaya't napagkasunduan nilang gamitin pati naang kabuoan mismo ng soda can na kinokolekta mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan,mga munisipyo, at iba pang mga kompanya tulad ng Coca-cola bottling Company at mga nongoverment organization (NGOs) sa tulong narin ng 21 sangay nito sa buong bansa. kapag nakuha na ang mga lata, inihahatid ang mga ito sa TWH upang pitpitin. Pagkatapos ay dinadala namn sa Reynolds Philippines para sa pagpoproseso. Sa una'y tutunawin ang lata at palalamigin upang muling buoin bilang mga piyesa at túbo. Diretso na ito sa MetalCraft section sa Oras na maibalik sa institusyon upang mai-assemble ng mga manggagawa ng TWH. Pambihirang
manggagawa,dahil mismong ang mga beneficiary ng TWH ay sinasanay sa ganitong Gawain Hindi lamang upang makatulong sa institusyon kundi upang maihanda narin ang kani-kanilang Sarili na maging paki-pakinabang. Sila nag-a-assemble at napipinturang mga piyesa. Silá rin ang finishing touch na tunay na nakamamangha! kapag buo na ang mga wheelchair ay ipinagbibili na ito sa mababang halaga. kadalasan ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PSCO ang tumatangkilik ng kanilang produkto.limampung units agad ang kanilang kinukuha at inipamamahagi sa mga maykapansanan na Walang kakayahang bumili nito.Ang salaping napagbilhan Naman ay ginagamit ding pondo ng TWH sapagkat nais din namn nilang kumita sa sarili nilang pamamaraan at Hindi lagi na lamang nakaasa sa tulong ng iba.Dahil Hindi namn habambuhay ay nakasandal ang beneficiaries naito sa TWH, kailangan din Naman nilang matutung mamuhay nang normal.Sa pamamagitan nito, matutulungang umayon sila sa kasalukuyang takbo ng panahon. Ang Tahanang Walang Hagdan at ang wheelchair project nito, kabalikat na gumagawa ng isang kapaki-pakinabang na bagay. Para sa kanila para sa bayan,at higit sa lahat, para sa kapwa nila maykapansanan.
Share
Answer:
3.Mga Rings Of SODA Ng MGA Cans sa Pag Buo Ng Wheelchair
4.Upang makatulong din at matutunan nilang Maghanda sa kanilang Mga sarili
5.Sa Pag Tulong at Pag Turo kung Pano Gumawa Ng Wheelchair gamit Ang Mga Cans Ng MGA SODA
Pa BRAINLIST