Pls po pa answer nito need ko na po sa May 10 pls nagmamaka awa ako
Share
Pls po pa answer nito need ko na po sa May 10 pls nagmamaka awa ako
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Explanation:
Suriin natin
Maraming magagandang kaugalian ang mga Pilipino na maipagmamalaki hindi lang sa buong bansa kundi pati sa buong mundo. Isa na rito ay ang pagiging matulungin ng mga Pilipino. Dala na rin siguro ng madalas na naaapektuhan ang ating bansa ng kung anu-anong mga sakuna, naging likas na sa atin ang tumulong sa kapwa sa kahit anong anyo pa ito, anuman ang estado ng ating buhay.
Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging magiliw sa mga panauhin, lalo na sa mga turista, dayuhan man o kapwa Pilipino. Kaya maraming bumibisita sa ating bansa, at nakatutulong ito sa paglago na rin ng turismo sa ating bansa, dahil sa alagang ating ibinabahagi sa mga bumibisita.
Isa pang magandang kaugalian na dapat ipaunlad ay ang pagiging magalang. Musmos pa lamang tayo ay tinuturuan na tayo sa mga salitang ‘po’ at ‘opo’, na sumisimbolo nang paggalang sa mga nakatatanda. Kaugaliang dapat magtuloy-tuloy hanggang sa mga susunod na henerasyon, kahit na tayo ay gumagalaw na sa makabagong panahon.
Maaari ring mapaunlad ng bawat Pilipino ang kanilang talento at kakayahan, na alam naman nating marami nang mga kababayan natin ang namayagpag sa iba’t ibang sulok ng mundo dahil sa angking galing nila. Bawat isa sa atin ay may naitatagong kakahayan, kailangan lang nating magtiwala sa sarili at huwag matakot na maipakita ito sa iba, dahil ang talento ay dapat gamitin at pinapaunlad.
1. Ang pagiging sakim ng mga tao sa pera at ang pagiging mayabang
How do you feel when you're in a room