poem tungkol sa pag ibig
mahaba di gaano basta sakto lang ang haba thx po
Share
poem tungkol sa pag ibig
mahaba di gaano basta sakto lang ang haba thx po
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
"Katotohanang Nalaman"
Masayang pagsasama,
Tila'y walang problema,
Ala-alang nabuo na kasama,
Saan patungo sa puso'y nag-iisa.
Ikaw lang tinitibok nang pusong masaya,
Ikaw lang nais makapiling sinta,
Pag ika'y kasama wala nang kasing saya,
Hindi mapapantayan na ligaya na aking nadarama.
Sa matagal na pagsasama,
Akala ko ikaw at ako na talaga,
Lumilipas ang panahon
Ihip nang hangin ay nag bago,
Tulad nang pag-ibig mo biglang nagbago.
Tulad nang pag-ibig ko nariyan na,
Pero hindi mo ramdam.
Nasa tamang tao kana sana
Pinakawalan mo pa.
Masasayang ala-ala na ika'y kasama,
Ngayo'y napalitan nang luha,
Bawat gabi'y luha ang siyang pahinga,
Umaga luha ang umagahan.
Pinadama mong sakit,
Walang may nakakahigit
Sapagkat walang katulad na iba,
Ika'y biglang huminto
Hindi humakbang upang ipaglaban ang pagmamahalan,
Simula'y masaya,
Sa huli'y masisilayan, hanggang ala-ala nalang ang lahat ng pinag-samahan.
Salitang binigkas ay napakaganda,
Kahit isa ay hindi nagawa.
Pagmamahal mo'y hindi buo,
Tulad nang pagdating mo sa buhay ko.
Hindi buo sapagkat sa huli ako'y iiwan mo.
Sa una'y nagtagpo,
Sa dulo ika'y sumuko.
Pinagtagpo sa maling panahon,
Pinagtagpo at hindi itinakda.