Pokus ng Pandiwa
Basahin mabuti ang mga tanong. Tukuyin kung ito ay Pokus Tagaganap o Pokus sa Layon ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot.
1. Binibigkas ng diwata ang sumpa at naging puting pusa ang mangangaso. *
a.) Tagaganap
b.) Layon
2. Matatagpuan ang maraming prutas sa kagubatan ng isang lugar sa Marugbu. *
a.) Tagaganap
b.) Layon
3. Tumalilis ang lalaki upang di makita ni Rihawani. *
a.) Tagaganap
b.) Layon
4. Ang mga tao ay nagsasabing may diwata sa kagubatan. *
a.) Tagaganap
b.) Layon
5. Ibinuwis ni Samson ang kaniyang buhay upang malipol ang mga kaaway.
a.) Tagaganap
b.) Layon
Share
Explainations:
POKUS NG PANDIWA
2. Pokus ng Pandiwa Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap. Makikita ito sa panlaping ginamit sa pandiwa. Ito ay relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.Naipapakita sa pamamagitan ng pokus ang ugnayan ng paksa sa pandiwa kung tagaganap,tagatanggap,sanhi,pinaglalaanan, ginanapan o kagamitan ng paksa.
3. MGA URI NG POKUS NG PANDIWA 1. Pokus sa Aktor o Tagaganap Nasa aktor ang pokus kapag ang paksa ang tagaganap ng pandiwa sa pangungusap. May mga panlaping: -um,mag-,maka-,at ilang ma. Sumasagot ito sa tanong na ANO. Hal: Humingi ng tawad si Tonyo sa kasalanang nagawa. Manghihiram siya ng lapis. Bumili ng pagkain si nanay.
4. • 2. Pokus sa Layon o Gol Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa pangungusap. Ang paksa ang tuwirang layon. Ang mga panlaping ginagamitan sa pokus na ito ay : i-,in,an/han,ma at –ipa. Sumasagot ito sa tanong na ANO. Hal: Kinain ni Maria ang mga mansanas. Itong adobo ang Ipaluto mo kay Aling Maria. Dalhin ninyo nga kay Bb. Del Mundo libro.
5. 3. Pokus sa Ganapan o Lakatib Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay: -an/-han,pag- -an/-han, at pang..an/han. Sumasagot sa tanong na SAAN. Hal: Pagdarausan ng pagpupulong ang Conference Room. Malapit lang ang palengke rito. Pinagmulan ng mga mitolo hiya ang bansang Griyego.
6. 4. Pokus sa Tagatanggap o Benepaktibo Ito ay tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa resulta o kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang paksa ay pinaglalaanan o di tuwirang layon ng pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit ay: i-,ipang-,at ipag-. Sumasagot sa tanong na para KANINO. Hal: Ipinagluto ng panadero ng keyk ang ginang. Si Miguel ang ipagpapagawa ni nanay ng halo-halo.
7. 5. Pokus sa Gamit o Intrumental Ito ay tumutukoy sa kasangkapan o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos o pandiwa na siyang paksa ng pangungusap. Ang paksa ay ang kagamitang ginagamit sa pagkilos ng pandiwa sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit ay ipang-. Sumasagot sa tanong na para PAANO/ANO. Hal: Ipinang-akit niya ang damo sa Zebra. Posporo ang ipinansindi niya ng kandila. Ipinanghiwa niya ng gulay ang bagong kutsilyo.
8. 6. Pokus sa Sanhi o Kosatib Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Kapag tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap. Ang mga panlaping ginagamit ay: i-,ika- at kapag. Sumasagot sa tanong na BAKIT. Hal: Ikinadismaya ng mga kabataan ang mahinang koneksyon ng internet. Ito ay Ikalulungkot ni Jacob ang pagkawala ng kasintahan nito.
9. 7.Pokus sa Direksyon o Direksyonal Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutungo ng kilos. Ang mga panlaping ginagamit ay: -an/han at –in/hin. Sumasagot sa tanong na TUNGO KANINO. Hal: Kinamanghaan natin ang Antipolo ni Fernando Amorsolo. Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
Answer:
2.A
3. A.
4.B. (pukos layon)
5. B (pukos layon)
#Caringonlearning