Pumili ng isa sa mga gawaing nasa ibaba.Sumulat ng hakbang upang maipahayag ang tamang paraan sa pagsasagawa nito.
1. Hakbang sa paliligo
2. Hakbang ng pagsisipilyo ng ngipin
3. Hakbang sa pagtatanim ng halaman
4. Hakbang sa paglilinis ng bahay
Share
Answer:
3.Diligan ang lupa sa kamang taniman at tiyaking ito’y nakasipsip na ng sapat na tubig.
Maglagay ng panandang tulos sa sa magkabilang dulo ng kama, ayon sa laki ng nais gawing taniman.
Gumamit ng pisi upang maging pantay ang mga hanay ng tanim. Itali ang pisi sa bawat dulo ng tulos.
Butasan sa pamamagitan ng matulis na patpat. Gamiting gabay ang pising itinali sa mga tulos upang maging pantay ang hanay ng mga butas. Tiyakin ding may sapat na pagitan ang bawat butas upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tutubong halaman.
Higit ang layong dapat gawin samga butas kung ang mga itatanim ay may mabukadkad na mga dahon. Kung pataas at tuwid naman ang tubo ay maaaring magkakalapit nang bahagya ang mga butas.
Gawin ding malalim ang mga butas kung ang lupang tataniman ay buhaghag at mabuhangin. Ang pagtatanim ay dapat gawin sa panahon ng tag-init.
Kung ang lupa naman ay siksik at sa panahon ng taglamig, mabuting gawing mababaw ang butas sa pagtatanim.
Hugutin at alisin ang mga tulos at pising ginamit. Mula sa mga nagawang butas, maglagay ng dalawa o hanggang tatlong binhi o buto bago itanim.
Tiyakin lamang na ang mga ito ay magulang na.
Takpan ng tuyong lupa ang mga butas na nilagyan ng mga buto o binhi at bahagyang patagin ang kamay.
Diligin nang maingat ang kamang taniman upang mapangalagaan ang mga binhi o butong bagong tanim.
4.pag punas ng mga bintana
pag wawalis
pag mamap
pag punas ng lamesa
hope it helps can I have brainliest