Punuan ang mga hanay sa ibaba ayon sa hinihingi. Gamiting gabay ang ibinigay na halimbawa.
Magtala ng mga banta sa pamilyang Pilipino sa mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng edukasyon
2. Paggabay sa paggawa ng mabuting pasya
3. Paghubog ng pananampalataya
(GOOD AFTERNOON PO PAHELP PO.THANKS.)
Share
Answer:
1. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. hindi magagampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin sa edukasyon ng kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatan para rito. katuwang nila ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit nito. kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.
2. isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging matagumpay masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag ambag para sa kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasya at pagkatapos ay bigyan siya ng maya na magpasya para sa kanyang sarili. ang mga pagpapasya ang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang siyang mag dede kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong lasa ng kanilang pipiliin tahakin.
3. ang paghubog sa pananampalataya ay nakakapag patibay ng pagsasamahan ng pamilya. dito ay matitiyak na ang mga pagpapasyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuo ng pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag isip muna bago kumuha ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya