Pwede po ba kayu mag bigay ng tula kahit dalawa lng po ok na basta po tula na may sukat tnx
Share
Pwede po ba kayu mag bigay ng tula kahit dalawa lng po ok na basta po tula na may sukat tnx
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Huling Silahis
ni: Avon Adarna
1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.