pwede po patulong salamat po pakisagot po ng maayos salamat po please wag na pong sumagot kung hindi nyo po alam
Share
pwede po patulong salamat po pakisagot po ng maayos salamat po please wag na pong sumagot kung hindi nyo po alam
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay
Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.
Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig
Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing
Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.
Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
Answer:
covid-19 prevention
1 ) Ang covid-19 ay isang napaka mapanganib ng sakit.
2) Maaari kang mahawa ng sakit nato kung hindi ka mag-iingat.
3) Dapat tayo ay sumunod sa mga )ng ating gobyerno para makaligtas at maprotektahan mo ang iyong pamilya.
4) Ang pag susuot ng ppe o personal protektive equipment ay makakatulong saatin upang hindi tayo mahawa sa labas ng kung ano-anong sakit.
5) Mas makakabuti kung tama ang pag-suot mo ng mask o face shield para mas maging protektado ka sa sakit at hindi mo mahawaan ang pamilya mo.
6) At kung gusto mong maging ligtas ay kung maaari na walang importante na gagawin sa labas ay huwag kanang tumuloy pa.
Explanation:
ang naunawaan ko sa larawan ay ang pag iingat o pag iwas upang hindi mahawa ng sakit na covid-19.
༺нσρє мy αทsωєr нєℓρs yσυ α ℓστ!༻
░кєєρ sτυ∂yiทg нαr∂ sσ τнατ yσυ cαท ƒυℓƒiℓℓ yσυr ∂rєαмsッ
#cαrry σท ℓєαrทiทg
#вєττєr ωiτн вrαiทℓy
•кєєρ sαƒє
꧁-gєℓσ꧂
⎝⎝༆ℓαвyα࿐༒