rap tungkol sa magulang
Share
rap tungkol sa magulang
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
MAGULANG
Kayo ang dahilan ng aking hininga Ako ay hinubog sa inyong kalinga; Pag-ibig na wagas, totoo't dakila Ang siyang nagbigay ng lakas ko't sigla.
Hinubog n'yo aking damdamin at diwa
Kasama ko kayo sa ngiti ko't luha;
Sa aking pagtulog sa gabing madilim
Nagbabantay kayo sa aking paghimbing.
Hindi hahayaang lamok ay kagatin Pati na ang init, pilit papawiin; At kung ako ma'y tuluyang magising Nakangiti kayong babati sa akin.
Di naging madali ang sakripisyo n'yo Simula nang ako'y maging isang tao; Kaya naman ako'y may mga pangako Pangaral at hiling n'yo ay susundin ko.