sa darating na halalan o eleksyon, ano ang iyong pananaw a dapat taglayin ng ating sunod na mgiging lider ng bansa??
Share
sa darating na halalan o eleksyon, ano ang iyong pananaw a dapat taglayin ng ating sunod na mgiging lider ng bansa??
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Sa aking pananaw, ang dapat taglayin ng susunod na lider ng ating bansa ay una, ang lider ay may puso sa mamamayan. Ibig sabihin, ang isang lider ay dapat nararamdaman ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Sa madaling salita, alam niya kun ano ang kailangan at bigyang pansin sa mamamayan. Ikalawa, ang lider ay may malinis na hangarin sa bansa. Lider na ang ninanais ay ang mapabuti ang kapakanan ng kanyang nasasakupan. Marami sa ating lider sa kasalukuyang panahon ay walang iniisip kung hindi ang pansariling interes at ibulsa ang kaban ng bayan. Ikatlo, ang lider dapat ay may pinag-aralan at sapat ang kaalaman upang pamunuan ang bansa, nang sa gayon ay magkaroon siya ng mga plataporma ar programa na angkop sa pangangailangan ng mamamayan. Napakahalaga na ang isang lider ay may sapat na kaalaman sapagkat ang pagiging lider ay nangangailangan ng mahusay na pagdedesiyon. Ang kanyang kaalaman aang magiging sandata upang mabigyang solusyon ang problema sa lipunang kanyang pinamumunuan.
https://brainly.ph/question/24499959?referrer=searchResultssearchResults
#SPJ1