Sa iyong palagay, magpapakita ba ang mga kilos na iyong isasagawa ng pag-iral ng kalayaan? Ipaliwanag
Share
Sa iyong palagay, magpapakita ba ang mga kilos na iyong isasagawa ng pag-iral ng kalayaan? Ipaliwanag
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
opo
Explanation:
May mga kabataang nag-aakala na ang kalayaan ay kapangyarihan na gawin ang anomang naisin ng tao. Kung susuriin ayon kay de Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Maraming bagay ang nais niyang mangyari at gawin subalit hindi niya magawa ang mga ito. Nais ng
taong hindi magkasakit, hindi tumanda, manatiling buhay, malaman ang lahat ng bagay – ngunit wala siyang kalayaan upang magawa ang mga ito.
Kung ganoon, ano nga ba ang tinutukoy na kalayaan ng tao?
Sa kabila ng limitasyong ito ng kalayaan ng tao, ang tao ay tunay na malaya sa kanyang pagpili o pagpapasya. Binigyang-kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ang tao ay nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kanya. Maaari siyang mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaaring puwersahin o pilitin. Subalit ang kalayaang ito ay hindi tumutukoy sa kalayaan upang piliin ng tao ang kahihinatnan ng kanyang pagpili. Hindi sakop ng kanyang kalayaan ang likhain ang kahihinatnan ng kanyang piniling kilos. Halimbawa, malaya ang isang mag-aaral na piliing magbarkada kaysa mag-aral ng leksyon, subalit hindi siya malaya sa maaaring kahihinatnan nito. Hindi maaaring mataas pa rin ang kanyang marka sa kabila ng kanyang piniling gawin. Hindi malaya ang tao na piliin ang kahihinatnan ng kilos na kanyang pinili. Samakatuwid, ang kalayaan ay hindi lubos, at ito ay may limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinakda ng Likas na Batas Moral. Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa batas na ito katulad ngkaugnayan ng dalampasigan sa baybay dagat. Ang dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at ang siyang nagbibigay hangganan dito. Gayundin, ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay –hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Ang batas moral kung gayon ay alituntuning kailangang sundin na nagbibigay-hugis at direksiyon sa kalayaan.
URI NG KALAYAAN
Mayroong dalawang uri ng kalayaan:
1. Panloob na Kalayaan. Ayon sa obserbasyon ni Santo Tomas de Aquino,
nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kanyang kalayaan. Tinutukoy ng Panloob na Kalayaan ng kilos-loob ang:
a) kalayaang gumusto (freedom of exercise) – ito ang kalayaang magnais o
hindi magnais
b) kalayaang tumukoy (freedom of specification) – ito naman ang kalayaan
upang tukuyin kung alin ang nanaisin
Sa babalang ito halimbawa, “Bawal ang Maligo Dito”.
Ang iyong kilos-loob ay malayang magnais o hindi magnais na sundin o kaya balewalain ang babala. Sakaling nagpasya ang kilos-loob na sundin ang sinasabi ng babala, malaya nitong tukuyin kung ano ang nanaising gawin bilang kapalit sa planong paliligo.