Sa iyong palagay, mahalaga bang pag-aralan ang asignaturang ito(Filipino sa Piling Larang)?
Share
Sa iyong palagay, mahalaga bang pag-aralan ang asignaturang ito(Filipino sa Piling Larang)?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
opo, dahil kahit papaano may koneksyon pa rin ito sa sa ating pagkapilipino at pagiging makabayan. obligasyon ng isa't-isa sa atin ang magkalap ng kaalaman, at isang magandang bagay angpag-aaral ng asignaturang ito
Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?
Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang pakikipagtalastasan sa iba.
Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan. Sa ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang wasto at makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya ang kanyang sarili.
Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."
Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."
Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa. Minsan isang tanghalian, habang ako ay teacher prefect sa aking mga mag-aaral, naitanong sa akin ng isa kong estudyante kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung magiging CEO naman siya ng kanilang kumpanya balang-araw. Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin ang totoo niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga manggagawa?” Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa kanya.
Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila ito.
AROUND THE UNIVERSITY
Coastal Cities at Risk in the Philippines: Investing in Climate and Disaster Resilience
Feast of the Holy Guardian Angels Calendar of Activities 2021
Feast of the Holy Guardian Angels 2021
Dr. Benjamin Dingel welcomed as new SOSE-ARISE research fellow
PAP Elections
OTHER HEADLINES
Feast of the Holy Guardian Angels Calendar of Activities 2021
Feast of the Holy Guardian Angels 2021
Matthan Hernandez and Djosef Evangelista win Honorable Mention in Mexico’s Drawing Contest
Cultural Communities Consciousness Week
Disaster Preparedness Week
RELATED
Coastal Cities at Risk in the Philippines: Investing in Climate and Disaster Resilience
Feast of the Holy Guardian Angels Calendar of Activities 2021
Feast of the Holy Guardian Angels 2021
Dr. Benjamin Dingel welcomed as new SOSE-ARISE research fellow
PAP Elections