Sa panahon natin ngayon ay kailangan natin nang ibayong pag-iingat dahil sa COVID-19. Ano nga ba ang ibig sabihin ng COVID-19? Ito ay isang sakit na dulot ng isang virus na mula sa hayop at nalipat sa tao. Ito ay nagsimula sa bansang Tsina. Sa kasalukuyan ay lumalaganap na ito sa buong mundo.
Ang karaniwang palatandaan o sintomas sa sakit na ito ay lagnat, ubo at panghihina. Ang mga hindi pangkaraniwang sintomas ay pagtatae, pananakit ng katawan, pananakit ng ulo at kawalan ng panlasa at pang amoy.
Upang maiwasan natin ang sakit na ito ay kailangan nating sumunod sa mga panukala ng Department of Health (DOH) tulad nang pananatili sa loob ng bahay lalo na kung tayo ay may sakit, pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng isang metrong distansiya, palagiang paghuhugas ng kamay, kumain ng mga masusustansiyang pagkain at iba pa. Sumunod tayong lahat upang mundo ay mailigtas.
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing paksa ng talata?
A. COVID-19
B. pag-iwas sa COVID-19
C. kahulugan ng COVID-19
D. mga sintomas ng COVID-19
2. Ang virus na dala ng COVID-19 ay nagmula sa __________.
A. basura
B. halaman
C. hayop
D. isda
3. Alin ang hindi tinalakay sa talata?
A. gamot sa COVID-19
B. pag-iwas sa COVID-19
C. sintomas ng COVID-19
D. kahulugan ng COVID-19
4. Paano tayo makaiiwas sa COVID-19?
A. iwasang kumain ng karne
B. makipag-usap sa mga dayuhan
C. palaging maghuhugas ng kamay
D. matulog maghapon sa loob ng kuwarto
5. Bakit kailangang sundin ang mga panukala ng DOH ukol sa COVID-19?
A. upang tayo ay sumikat
B. upang mailigtas ang virus
C. upang mabigyan tayo ng gantimpala
D. upang mailigtas ang buhay at ng ibang tao
pasagot po pls
Share
Answer:
1.covid 19
2.Hayop
3.gamot sa covid-19
4.C
5.D
Answer:
1. COVID 19
2. hayop
3.Gamot sa covid19
4.C.
5.D.
Explanation:
hope it helps