"Sa pangyayaring pang-aagaw ng mga Tsino sa ating teritoryo na West Philippine Sea, ano ang mainam na maging tugon ng mga Pilipino sa ginagawang ito ng mga Tsino? Sa mapayapang paraan o sa madugong paraan katulad na ginawa ng mga Asyano noong tayo ay sinakop ng mga Kanluranin? Bakit?"
Share
Answer and Explanation:
I-cut-off ang diplomatic ties sa China. Bakit?
- Una, nilalabag ng sosyo-imperyalista at rebisyunistang China ang ating soberanya at karapatan sa pagmamay-ari ng teritoryo sa WPS. Ang pagputol ng relasyong CH-PH ay nangangahulugang pagtutol ng ating bansa sa pagkotrol ng rebisyunistang China sa ating polisiyang pang-ekonomiya, bagkus ito ay nakakapagigay ng kaluwagan ng ating mamamayan sa mga posibleng aksyon ng estado sa imperyalistang ito.
- Pangalawa, nilalabag ng bansang China ang kasunduan sa UNCLOS ang karapatan natin sa dagat, at sa hindi nito pagdalo sa Hague, Netherlands na naging isa nating tagumpay sa kasong ito.
- Pangatlo, ang madugong pakikipagdigma ay hindi kailanman applicable sa ating modernong panahon, maliban kung ito ay digmaang bayan o civil war (pakikibaka ng CPP-NPA laban sa mapang-abusong estado ng GRP sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan sa pagkakataon na nasa gulo na tayo ng sitwasyong pampulitikal). Ang pakikidigma laban sa China ay isang malaking pagkakataon din na gamitin tayo ng imperyalistang US bilang battleground dahil sa tensyong namumuo sa pagitan nila (neo-cold war).
- Sa huli, ang pagputol ng relasyon natin sa makapangyarihang bansa ay nakakatulong sa ating sariling bansa na maging isang "self-reliant". Ang teritoryo natin ay ating teritoryo. Anumang panahon ang dumaan, ang Pilipinas ay kailangang maging malaya.