sa papaanong paraan ka makakatulong sa pagsulong nito?
Share
sa papaanong paraan ka makakatulong sa pagsulong nito?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Paano ako makakatulong sa pagpapatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa pagsulong at pag-unlad?
Sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga produktong gawa sating bansa ay maipapakita ko ang aking suporta sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa. Ang ating mga gawang produkto dito sating bansa ay maipagmamalaki rin natin at maihahanay sa linya ng magaganda, de kalikad, at matitibay na produkto sa buong mundo. Ang pagpili ng mga produkto natin kesa sa mga produktong galing sa ibang bansa ay isa sa mga paraan kung paano makakatulong sa pagpapatupad ng kaunlaran ng ating bansa. Isa rin sa mga magagawa natin ay ang pagbisita sa mga magagandang pasyalan sating bansa kesa pumunta sa mga pasyalan sa ibang bansa. Wala namang humahadlang sa pagpunta sa ibang bansa ngunit hindi ba't mas magandang libutin ang buong mundo kung nalibot mo na ang bansang kinabibilangan mo? Marami ring mga tanawin na dito lamang makikita sating bansa at ang patunay nito ay ang mataas na antas ng turismo sa bansa, katunayan na hindi pahuhuli ang ating bansa sa may magagandang tanawin sa buong mundo. Sa makabagong paraan at sa trending na gawain, maaari kang maging isang vlogger o gumawa ng online content na kung saan ang ibinibida mo ay ang ating bansa at mga produkto nito. Sa ganitong paraan ay mahihikayat mo ang mga netizens na subukang tangkilikin ang ating bansa at mga produkto nito.
Anu-ano ang maaaring maging laman ng iyong online content?
Mga magagandang lugar o pasyalan dito sating bansa. Habang bumabyahe ka o ng iyong buong pamilya, maaari mong kuhaan ng video ang ilan sa magagandang tawaning nakikita o ang mga karanasang nakakapukaw ng pansin at interes. Marami na ang gumawa nito pero kahit na ganoon, ang iyong sariling kuha at karanasan ay tunay at iyon ang isa sa mga hinahanap ng mga netizen.
Mga masasarap na pagkaing Pinoy. Kilala ang Pilipinas sa mga bansa na may masasarap na pagkain. Ang ilang mga dayuhan nga'y nahuhumaling sa mga pagkaing tangin sa Pilipinas lamang natitikman. Maaari ka ring kumuha ng video ng iyong karanasan habang inihahanda o kinakain ang mga malilinamnam na pagkaing ito. Ang ilan sa mga vloggers ay kinukunan ang paraan ng pagluluto nila ng mga putaheng Pinoy na maaaring gayahin ng kahit sinuman.
Mga kaugaliang Pinoy. Isa ito sa mga kinagigiliwan sating mga Pilipino. Kilala tayo sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay kaya maraming dayuhan ang nagnanais magkaroon ng katuwang sa buhay dahil ayon sa kanila, ang mga Pinoy ay family oriented. Liban sa mga ito, maaari mo ring ilathala ang natural at likas na perspektibo ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-interview sa kanila.