Sa tingin mo ba magagamit ang sistematikong paraan sa paglalahad ng mga impormasyong kaugnay sa pangtangkilik ng panitikang pilipino sa sariling lahi?bakit?
Share
Sa tingin mo ba magagamit ang sistematikong paraan sa paglalahad ng mga impormasyong kaugnay sa pangtangkilik ng panitikang pilipino sa sariling lahi?bakit?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan. Ang mga akdang nakapaloob sa batayan at sanayang-aklat na ito aymabisang magagamit ng mga mag-aaral para sa talakayan at pagpapahayag ng kanilang sariling kuro-kuro, saloobin, at pagsusuri. Maaaninag sa nasabing mga katha ang katangi-tangi, masining at malikhaing paraan ng mga manunulat sa paglinang at paggamit ng wikang Filipino. Magaganyak din ang mga guro at mag-aaral sa malikhaing pagsulat at masining na pagpapahayag. Sa pamamagitan ng aklat na ito, nais naming palaganapin ang iba't ibang anyo ng panitikan-sa nilalaman, sa estilo, at sa hinahangad na kakintalan-ang matapat na maakay ang mga mag-aaral sa isang landas ng buhay na marangal, dakila, at makatotohanan at tuluyang magabayan sila ng kanilang mga guro na maging matatag sa gitna man ng mga suliranin sa buhay, pagsubok, karukhaan, pangamba-nariyan dapat ang mga kaisipang di magpapagupo sa mga magaaral na taas-noo pa ring makababangon at makalalakad na may pagpapahalaga bilang mga Pilipino. Maikikintal sa pag-unawa ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga katha at akdang nakapaloob sa aklat