Sa tulong ng aking guro at sa pamamagitan ng modyul na ito,lubos ko nang naunawaan ang ________ at ________ ng konseptong pangwika. Nalaman ko din na ang wikang opisyal ay _______ at ito ay napakaraming kabuluhan o kahalagahan. Samantalang ang wikang panturo naman ay ang ______ na ginagamit sa paaralan. Nabatid ko rin na marami palang kahulugan ang ______ ayon sa iba't-ibang linggiwistika at dalubhasa.
Share
Verified answer
Answer:
Ang dalawang konseptong pang-wika ay ang Wikang Opisyal at Wikang Panturo. Ang wikang opisyal ay ang ipinatupad ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Samantalang ang wikang panturo naman ay ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Maraming kahulugan ang Wika ayon sa iba't-ibang linggiwistika.
Explanation:
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng koneksyon ng tao at pakikipag-kapwa. Tinutulungan tayo ng wika na ibahagi ang ating mga ideya, saloobin, at damdamin sa iba. Ito ay may kapangyarihang bumuo at sumira ng mga lipunan.
Wikang Panturo
Ang wikang panturo ay tumutuoy sa mga wikang ginagamit ng mga paaralan bilang pmangunahing midyu sa pagtuturo. Kadalasan, ito ay itinatalaga ng pamahalaan o nang mismong paaralan, batay sa pangkat etniko. Sa Pilipinas, ang opisyal na wikang panturo ay Tagalog at Ingles.
Magbasa pa tungkol sa Wikang Panturo: brainly.ph/question/4033947
Wikang Opisyal
Ang isang opisyal na wika ay isang wika na binigyan ng isang espesyal na katayuan sa isang partikular na bansa, estado, o iba pang nasasakupan. Kadalasan ang salitang "opisyal na wika" ay hindi tumutukoy sa wikang ginagamit ng isang tao o bansa, ngunit ng pamahalaan nito.
Alamin kung ano ang ating opisyal na wikang Pambansa: brainly.ph/question/11206392
Palalimin pa ang kaalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng wika: brainly.ph/question/3851524
#BrainlyEveryday