Saan nagmula ng korido ng ibong adarna?
Share
Saan nagmula ng korido ng ibong adarna?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
SAAN NAGMULA ANG IBONG ADARNA
Ang kuwentong ito ay naka base sa epiko na patungkol sa isang mahiwagang ibon nagtataglay ng angking kagandandahan at mahika.
Ang epikong ito ay isang tulasinta. Ito ay mayroong 1722 saknong at nahahati sa limang parte.
Ang ibong adarna ay isang koridong tagalog ngunit hindi kilala ang may akda. Ngunit may mga nagsasabi na ito daw ay gawa ni Huseng sisiw o Jose de la Cruz.
Wala ding petsa kung kalian ito inilimbag.
Pinaniniwalaan na ito ay halaw sa isang lumang Europeong alamat.
Ito ay isinulat sa panahon ng mga Espanyol.
Ang pinakapamagat nito ay “ Corrido at buhay na pinagdaanan ng tatlong prinsipeng magkakapatid na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Ang tulang ginawa ng may akda ay umiikot sa kababalaghan, alamat at pananampalataya.
Kung ating titingnan mapapansin natin na ang ibong adarna ay nakabase sa mga paniniwala, kultura at pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay mahilig maniwala sa mga kapangyarihan mula sa mga di nakikita . Ngunit ito ay hango sa kuwentong bayan ng iba’t-ibang bansa tulad ng mga bansang Alemanya, Denmark, Romania, Austria,Finland, Indonesia at iba pa.
Ano ang genre ng ibong adarna?
Ang ibong adarna ay isang korido. Ibig sabihin, ito ay isang tula na pasalaysay na ang bawat taludtod ay mag tugma at sukat.