saang lungsod dumadaloy na tubig Mula pasig
Share
saang lungsod dumadaloy na tubig Mula pasig
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Ilog Pasig ay isang ilog sa Pilipinas na dumadaloy mula sa Laguna de Bay (sa pamamagitan ng Kanal ng Napindan) patungong Look ng Maynila. May haba na 25 kilometro at hinahati ang Kalakhang Maynila sa dalawa. Ang Ilog Marikina at Ilog San Juan ang pangunahing mga sanga nito.
Dating isang mahalagang ruta pang-transportasyon sa Kastilang Maynila. Dahil sa kapabayaan at pagpapaunlad ng mga industriya sa paligid nito, nasalaula at tumaas ang polusyon at itinuturing na patay na ilog ng mga ekolohista. Itinatag ang Komisyon sa Pagbubuhay ng Ilog Pasig (Pasig River Rehabilitation Commission - PRRC) upang pamanihalaan ang pagsisikap na buhayin ang Ilog. Kabilang sa mga tumutulong sa PRRC ay ang mga samahang pribado gaya ng Clean and Green Foundation, Inc. na nagsagawa ng kampanyang Piso para sa Pasig.
Katangian: Dumadaloy ang Ilog Pasig sa pangkahalatan pahilagang-kanluran sa tinatayang 25 kilometro (15.5 mi) mula sa Lawa ng Laguna, ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, patungo sa Look ng Maynila, sa katimugang bahagi ng pulo ng Luzon. Mula sa lawa, ang ilog ay dumadaloy sa pagitan ng Lungsod ng Taguig, at ng Taytay, Rizal, bago pumasok sa Lungsod ng Pasig. Ang bahaging ito ng Ilog Pasig, sa may bukana ng Ilog Marikina, ay kilala bilang Ilog Napindan o Napindan Channel. Mula doon, ang ilog ay bubuo ng hangganan sa pagitan ng Lungsod ng Makati sa timog, at sa Lungsod ng Pasig, na susundan naman ng Lungsod ng Mandaluyong sa hilaga. Kasunod nito ang palikong bahagi na pahilagang-silangan, kung saan ay magiging hangganan ng Lungsod ng Mandaluyong at Maynila bago muling liliko pakanluran, upang salubungin ang isa pang pangunahing daloy mula sa Ilog San Juan, at pagkatapos ay liku-likong dadaloy na sa gitna ng Maynila bago lumabas ng look.
Explanation:
hope it helps and pa brainliest din
manila?,d po sure sana po maka tulong.