sagawa natin: Tukuyin at Sabihin ang hulwaran ng organisasyon ng bawat kasunod na teksto.
1.
Ang istetoskowp ay isang uri ng instrumentong pangmedisina upang pakinggan ang
daloy ng hangin sa baga at gayundin ang tibok ng puso ng may karamdaman.
Kalimitang ginagamit ito ng mga doktor sa medisina at mga nars sa ospital.
Napakahalagang instrumento ito ng mga tagapangalaga ng kalusugan ng
sangkatauhan.
2.
Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod:CPU o central processing
unit, monitor, mouse, keyboard at AVR o automatic voltage regulator. Ang mga
opsyunal na bahagi nito ay ang printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang
mga kagamitang ito.
3
Dalawang uri pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal at
parlyamentari. Ang pinakamataas na nan 5 gkulan sa presidensyal ay tinatawag na
Pangulo, samantalang ang sa parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister.
Gayunpaman, parehong demokrasya ang pinaiiral na dalawang uri ng pamahalaan.
Ang karapatan ng mamamayan, kapayapaan at hustisya ay pinangangalagaan din sa
dalawang anyo ng pamahalaan.
4
Tumaas ang presyo ng lahat ng bilihin ngayong taon. Dahil kasi ito ng pagtaas ng
dagdag na buwis ng ipinataw ng pamahalaan sa lahat ng mga bilihin.
5
Napakataas na presyo ng bilihin sa panahong ito. Kulang na ang badyet sa pang-araw-
araw dahil naman tumaas ang sweldo o kinikita. Ang dating napagkakasyang salapi sa
isang araw ay hindi na sapat kaya kailangang magdagdag. Dahil dito, magtipid ang
buong mag-anak. Kung hindi naman kinakailangan ang isang bagay ay huwag nang
ilaan ang pera rito bagkus itabi ito upang makapag-impok. Sakaling may biglaang
pangangailangan ay may madudukot na salapi.
Share
Answer:
1.Depinisyon
2.Pag- iisa- isa
3.Paghahambing
4.Sanhi at Bunga
5.Suliranin at solusyon