salamat talaaga po please let me know what time works of art of line game a break
Share
salamat talaaga po please let me know what time works of art of line game a break
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sagot:
SA PAARALAN
Pagsagot sa mga recitation.
Pagkakaroon ng tapang na magpresent ng isang gawain o asignatura.
Magboluntaryo sa pamumuno sa isang proyekto.
Pakikipag-usap sa principal ng eskuwelahan.
Pagsali sa mga paligsahan o contest.
SA TAHANAN
Pag-amin sa mga pagkakamaling nagawa sa loob ng pamilya.
Kung may mababang marka, sasabihin mo ang totoo kahit pagalitan.
Pagsasabi ng opinyon at saloobin sa magulang.
Paliwanag:
Kailangan natin maging matapang o magpakita ng walang takot sa isang sitwasyon. Hindi dapat tayo laging panghinaan ng loob kundi mahalaga na magsalita at ipakita ito sa gawa. Minsan nahahadlangan tayo ng takot at pangamba kaya natatakot ang isa. Maaaring mapahamak tayo kung hindi natin ito gagawin at makaapekto sa ating pag-iisp at damdamin. Tulungan ang ating sarili na magkaroon ng ganitong saloobin.
Huwag tayong magpaapekto sa mga sasabihin ng iba tungkol sa atin. Hihilahin lang tayo nito pababa at hindi magtagumpay sa buhay. Mahalaga ang bawat sasabihin at gagawin natin dahil pagpapakita ito ng kumpiyansa. Tayo mismo ang tutulong sa atin upang malinang ang pagiging walang takot o matapang. Hindi dapat maging duwag lalo na sa paaralan dahil nakakapanghina ito ng sarili.
Ano ang pakinabang kapag nagsalita o gumawa tayo ng walang takot?
Tingnan ang ilan sa mga halimbawa:
Hahangaan tayo ng iba at maaaring tularan rin nila tayo
Mas mapagtitiwalaan tayo ng mga nakapaligid sa atin, lalo na ang ating mga magulang
Malalabanan natin ang mga nambubully sa atin sa pagiging matapang. Pero hindi makikipag-away kundi kailangan lang ng paninindigan at huwag maging duwag
Matutuwa ang ating mga magulang sa ating pagiging walang takot
Maaari itong makatulong upang makatayo sa sarili nating paa
Hindi pa naman huli ang lahat na magkaroon nito. Malilinang natin ito kung tayo mismo ang kikilos kaayon nito.
Para sa higit pang detalye hinggil sa paksa, maaaring tingnan ang link na ito:
Ano ang kahulugan ng takot
brainly.ph/question/495200
Kaibahan ng karuwagan at takot
brainly.ph/question/506447
Lakas ng loob na galing sa pamilya
brainly.ph/question/565371
#BrainlyEveryday