PAGSASANAY 3: Kapanayamin ang ilang matatanda sa inyong lugar tungkol sa paniniwala at kaugalian ng mga tao sa inyong lugar. Pagkatapos ay sumulat ng talatang nagsasalaysay tungkol dito. Gumamit ng mga pahayag/salita na nagbibigay-patunay.
MGA PANINIWALA AT KAUGALIAN SA SARILING LUGAR
1.
2.
3.
4.
5.
TALATANG NAG SASALAYSAY
PLEASE ANSWER..!
ANSWER NEEDED
Share
Verified answer
MGA PANINIWALA AT KAUGALIAN SA SARILING LUGAR
Talatang nagsasalaysay:
Ang aming probinsya, gaya sa ibang lugar, ay hitik sa mga paniniwala at kaugalian. Marami sa mga ito ay nagmula pa sa aming mga ninuno at kadalasan ay hindi na alam kung ano nga ba ang tunay na rason kung bakit ito ginagawa at pinaniniwalaan.
Ilan sa mga paniniwala ay patungkol sa kalinisan. Bawal raw ang paggupit sa mga kuko at pagwawalis sa sahig pagpatak ng gabi sapagkat maari daw kasing mawalis o maggupit natin ang swerte sa ating buhay. Nariyan rin ang paniniwala kung saan dapat ay subuan ng pagkain ang mga katatapos ng kolehiyo bago ang kanilang pagpasok sa kanilang tahanan. Ginagawa ito dahil sa ito raw ay paraan upang madaling makahanap ng trabaho. Ang pagbukas ng pinto at pagtitirik ng kandila habang dumadaan ang prusisyon ay isa mga paniniwalang mahigpit na sinusunod ng aking lola. Nagpapakita ito ng respeto sa mga taong nagpapakapagod sa pagsali sa prusisyon. Ang mga malalaki at kayumangging gamu-gamo ay pinaniniwalaan rin na mga espiritu ng mga namayapang kamag-anak. Sa katunayan, ito ay hindi lamang isang paniniwala sa aming lugar kung hindi ay sa buong Pilipinas.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga paniniwala at kaugalian ang aming munting lugar. Pinatutunayan lamang nito na tunay na mayabong ang aming kultura dito sa aming munting lugar.
Maraming salita ang maaring gamitin sa pagpapahayag ng katotohanan ng isang bagay. Ginagamit ang mga salitang ito upang mas madaling makumbinsi ang mga tagapakinig o tagabasa ng pahayag. Ang mga salitang may salungguhit sa talata ay ilang halimbawa ng mga salitang nagbibigay-patunay.
Magbasa ng higit pa tungkol sa kaugalian dito:
brainly.ph/question/1667149
#SPJ2