sana po matulungan nyo po ako mamaya na po gabi yung due date nyan..salamat po...
Share
sana po matulungan nyo po ako mamaya na po gabi yung due date nyan..salamat po...
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
SILANGANG ASYA
Ang Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang China, Japan, Hilagang Korea, Timog Korea, at Taiwan.
Ito ay binubuo ng malawak o malaking lupain na karugtong ng iba pang rehiyon ng Asya, partikular na ang China.
HILAGANG ASYA
Ang rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan
Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan Uzbekistan, Georgia, Armenia)
Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia.
TIMOG-SILANGANG ASYA
Dahil sa kaaya-ayang klima dito, magubat na kabundukan ang matatagpuan sa rehiyon samantalang mga lambak-ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga kapatagan ditto habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig
KANLURANG ASYA
Mabuhangin at mabato ang karaniwang lugar dito, maging ang pagkatuyo ng ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang init at walang masyadong ulang nararanasan sa rehiyong ito saAsya.Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal Ng Northern Tier lupain ng kabundukan at talampas, Ang Arabian Penisula- isang malawak na tangway na pinaliligiran ng ibat-ibang anyong tubig, at ang Fertile Crescent na nagtataglay naman ng matatabang lupa at
sagana sa suplay ng tubig.Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait). Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey
TIMOG ASYA
May anyong hugis tatsulok ang Timog Asya. Ang topograpiya ng rehiyon ay mabundok. Dito matatagpuan ang ilan sa malalaking ilog sa daigdig (Indus, Ganges, at Brahmaputra). Mainit
sa rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.
Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at
Bangladesh, mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan, at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives:)
Explanation:
Sana po makatulong :)