sanaysay tungkol sa pagtatapos ng batas militar
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Pagtatapos ng Batas-Militar
Nasanay ang mga tao sa pamamalakad ng rehimeng-militar. Sa gitna ng kahirapan, ang mgamamamayan ay nagtiis habang ang mga “krony” ni Marcos ay nagsisiyaman. Ang mga intelektuwal,kalaban sa pulitiko, manggagawa at mga estudyanteng militante ay sinupil at maraming lider angnakulong. Sa madaling tingin, tahimik na ang bansa.Noong Disyembre 22, 1980 sa ika-45 na anibersaryo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas,Kampo Aguinaldo, ideneklara ni Pangulong Marcos ang pagtatapos ng Batas-Marsyal. Sinabi niya:“Ngayon at sa wakas, ang sandali ng pagpapasya ay sumapit. Naniniwala akong ngayon na angpanahon upang wakasan ang kalagayang pambansang kagipitan. Ako’y taimtim na naniniwala nangtaus-puso at katapatan, tulad nang walong taong nakaraan, na ang mapanganib na kalagayan ngbansa ang nagbunsod sa akin sa pangangailangang militar.Ngayong malapit na ang sandali ng pagpapahayag ng pagwawakas ng batas-militar, muli kongsasabihin na hindi ako iiwas sa pananagutan ng pamumuno. Ang hakbang patungo sa pampulitikangnormalisasyon ay nakaayos na, ang paghahasikan ay nakahanda na, ang batas ay matatag at handana sa paghamon ng kinabukasan.