sanhi ng covid-19,,,,,,,,
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Kinumpirma ang pagkalat ng pandemya ng COVID-19, isang bagong nakakahawang sakit na sanhi ng SARS-CoV-2, sa Pilipinas noong Enero 30, 2020, kung kailan nakumpirma ang unang kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan—isang Tsina na 38 taong gulang na naipasok sa Ospital ng San Lazaro sa Maynila. Nakumpirma ang ikalawang kaso noong Pebrero 2, na isang 44 taong gulang na Tsino na namatay ng isang araw bago ang kumpirmasyon, at ito ang unang kaso na kumpirmadong pagkamatay dahil sa sakit na nasa labas ng pangunahing lupain ng Tsina.[3][4][5] Nakumpirma ang unang kaso ng isang tao na walang kasaysayan ng paglalakbay noong Marso 5, isang lalaking edad 62 na madalas pumunta sa isang bulwagang panalanginang Muslim sa lungsod ng San Juan, Kalakhang Maynila, na nagdulot ng suspetsa sa transimisyon sa pamayanan ng COVID-19 ay parating na sa Pilipinas. Nakumpirma ang asawa ng lalaki na nahawaan noong Marso 7, na ang unang lokal na transmisyon na natiyak.[6][7][8]