SECOND TRY NA TO.
PWEDE PO BANG GAWAN NIYO AKO NG TULA NA PUMAPAKSA SA PAGKA PILIPINO? PLEASE.
Share
SECOND TRY NA TO.
PWEDE PO BANG GAWAN NIYO AKO NG TULA NA PUMAPAKSA SA PAGKA PILIPINO? PLEASE.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
PAG-IBIG SA BAYAN
Kamusta inyong bansa?
Aking kapuwa makata.
Nandito ako upang magsalita,
At sa pag-ibig bayan ang aking paksa.
Ating alalahanin
Ang mga bayaning magigiting.
Atin ng sariwain,
Ang pag-ibig nila sa bayan natin.
Ang ningning ng bituin sa langit
Ay saksi sa kasaysayan nating kay pait.
Kung saan naipakita ang pagmamahal kahit na alumpihit, dito sa bayan nating kaakit-akit.
Ngunit ito ba'y karapat-dapat para sa atin?
Dugo't pawis ba ng mga bayani'y pinahahalagahan natin?
Kaya pa ba nating ipaglaban ang sariling atin?
O luluhod na lang tayo sa mga taong gusto tayong sakupin?
Hindi! dahil ngayon ay naiintindihan ko na.
Na ang bayang ito ay tunay na mahalaga.
Ipakita nating ito ay para sa atin!
Ipabatid nating ito ay lupain natin!
Isigaw nyo! Pilipino ako! At ito ang bayan ko!.
Ating ipabatid sa buong daigdig,
Na ang bayan nati'y ating iniibig.
Ipagmalaki natin ang bawat nasa paligid.
Atin ng pahalagahan at huwag hayaang malimahid.
Mga pilipino ang kababayan!
Itong tula ko'y nawa'y inyong maramdaman.
Tayo na nga't magbayanihan.
At ipakita ang Pag-ibig Sa Bayan.