Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho
Si Baste ay ulila na sa ama at sa ina. Maaga siyang naulila sa magulang. Namatay ang kaniyang nanay nang araw pagkatapos niyang maisilang si Baste. Ang ama niya naman ay pumanaw noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Ang tiyuhin ni Baste ang nagpalaki sa kaniya. Kasama niyang lumaki ang asong pinangalanan niyang Pancho. Ibinigay ito sa kaniya ng kaniyang tiyo noong magtapos siya sa sekondarya.
Matalino si Baste, gayundin si Pancho. Mula noong tuta pa lamang ito hanggang umabot ng dalawang taon, si Baste ang lagi niyang kalaro. Kahit nasa ikalawang taon na sa kolehiyo ay hindi mahilig si Baste sa pagbabarkada.
Malapit ang bahay nina Baste sa daungan kung kaya’t lagi silang namamasyal ni Pancho doon. Mabait ang aso at parehas silang kilalang-kilala ng mga nagtatrabaho doon. Halos araw-araw pagkatapos ng klase ay naglalakad sila papunta doon at hinihintay nila ang paglubog ng araw. Subalit, habang lumilipas ang panahon at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo si Baste, wala na siyang oras para kay Pancho. Marami na rin siyang bagong kaibigan at malimit na silang pumunta sa daungan.
Nalungkot is Pancho sa mga pagbabago sa buhay ng taong tinuturing niyang matalik na kaibigan. Nakapagkatapos ng kolehiyo si Baste ngunit ibang-iba na ito lalo na noong nakapagtrabaho at nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay.
Pumanaw ang tiyo ni Baste bago pa sila lumipat sa bago niyang bahay. Isinama niya si Pancho ngunit malungkot pa rin ito.Madalang lang kasi silang makapaglaro. Palaging umaalis ng bahay si Baste o ‘di kaya’y pinupuntahan siya ng mga kaibigan niya sa bahay niya. Pati ang pag-uugali niya ay nag-iba na.
Isang araw, umuwing lasing si Baste. Dahil sa sobrang pananabik ni Pancho kay Baste ay kaaad siyang tumakbo nang mabilis patungo kay Baste. Tinaboy ni Baste ang kawawang aso kaya ito nagtampo. Kinabukasan, pagkagising ni Baste ay wala na si Pancho sa bahay nila. Hinanap niya ito kung saan-saan. Bumalik rin siya sa dati nilang bahay ngunit wala doon ang aso.
Habang nagmamaneho si Baste palabas ng baryo, doon sumagi sa isip niya na ibang-iba na talaga ang buhay niya. Naalala niya ang mga panahong makapaglaro lang sila ni Pancho ay masaya na siya.Napagtanto niya nawalan siya ng panahon sa asong naging kasama sa mahabang panahon. Bigla niyang naalala ang daungan at kaagad- agad siyang pumunta roon.
“Baste! Ang tagal mo na ‘ring hindi pumupunta dito ah, asensado ka na talaga. Nauna pa yung aso mo sa iyo dito,” sabi ng guwardiya.Bakas ang saya sa mga mata ni Baste sa kaniyang narinig. Kaagad-agad siyang pumunta sa lugar kung saan palagi silang umuupo ni Pancho noon at nanonood ng paglubog ng araw. Doon nakita niya ang matandang aso na nakaupong mag-isa.Lumapit si Baste kay Pancho at hinawakan niya ito na parang nilalambing. Kaagad namang humiga ang aso sa mga paa ng binata.
Simula noon ay nagbago ang lahat. Nanumbalik ang dating samahan nina Baste at Pancho. Bumabalik na rin sila sa mga dati nilang pinupuntahan at sinasariwa ng binata ang dati niyang simpleng buhay.
6-7. Sa iyong palagay, bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan? Bakit?
8.Ano ang aral ang natutunan mo sa kwento?
9. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito wawakasan?
10. Bilang isang kabataan, ano naman ang maipapayo mo sa mga magkakaibigan upang mas lalong maging matibay ang inyong pagsasama?
Paki basa yung kwento√
Nonsense report∅
Share
Answer:
6-7 upang makapag bigay ito ng aral sa mga bumabasa
8- matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo
10- maipapayo ko na kailangan ay magtulongan kami sa lahat ng bagay upang tumibay pa lalo ang aming samahan
Tanong 6-7-
Sa iyong palagay,bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan?bakit?
Sagot:
upang maramdaman ng alaga ang pagmamahal ng kanyang amo kase habang tumatanda ang isang alaga ay kailangan nito ang tunay na halaga ng alaga sa kanyang amo
Tanong 8.
Ano ang aral ang natutunan mo sa kwento?
Sagot:
Ang aral na natutunan ko mula sa kwento ay bigyang halaga ang iyong alaga dahil kung sila ay mawala dito sa mundo ay madadala nila iyon sa kabilang buhay nila
Tanong 9.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng kwento,paano mo ito wawakasan?
Sagot:
Kung pagbibigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng kwento ay isang araw,pumunta si Baste sa dating bahay ng kanyang tito,hinanap niya si Pancho,pagdating niya sa likuran ng bahay ay nakita niya si Pancho na wala ng buhay,nagsisi si Baste dahil inuna niya pa ang kanyang mga bagong kaibigan kaysa sa kanyang alaga,labis na kalungkutan ang kanyang nadarama
Tanong 10.
Bilang isang kabataan,ano naman ang maipapayo mo sa mga magkakaibigan upang mas lalong maging matibay ang inyong pagsasama?
Sagot:
Mahalin ang isa't-isa,magtulong-tulong upang malagpasan ninyo ang mga problemang kinakaharap at wag kayong gagawa ng mali,laging masaya at magsama upang mas lalong tumibay ang inyong pagsasamahan
Explanation:
hope it helps po kung mali po paki remove nalang po ng answer thank you and god bless