Si Ma’am Kasi ni Eros Atalia
Final exam ng mga graduating. make or break. Terorista ang prof nila sa major subject na ito. Walang pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng kahina-hinalang kilos, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair. “Turn it off! Or keep it way!”, bulyaw ng prof. Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang cellphone. Balik uli ang lahat sa pagsasagot. Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay sa prof.
Nagduda na ang prof. Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone. Lumalapit pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang estudyante.
“Give me your phone, you’re cheating.”
Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot na nito ang bag, at saka bumira ng takbo papalabas ng classroom, iniwan ang test paper.
“Class, you’re all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read kung anong nakalagay sa message?” Tumayo ang estudyanteng inutusan binasa ang phone.
“Y di u sagot tawag namin? wala na si dad, ‘di niya nasurvive ang operation. d2 kami hospital.”
Sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ang binasang teksto ay isang anyo ng ___.
2. Ano ang paksa ng binasang teksto?
3. Bigyan ng angkop na paghihinuha ang maaaring naging damdamin ng mag-aaral sa panahong habang kumukuha ng pagsusulit at naririnig niya ang pagvibrate ng kanyang cp.
4. Maghinuha sa maaaring maging pananaw at damdamin ng guro sa huling nangyari sa teksto?
5. Ano ang pinakaangkop na mensahe sa binasang teksto?
Share
Answer:
1. Dagli
2. Si Ma'am Kasi
3. Nagulat
4. Nalungkot kaya't maiisip ng guro huwag siyang masyadong istrikto pagdating sa pagsusulit.
5. Dapat maging maunawain at magtanong muna bago manghusga.