Si Pablong Matiyaga ay nagmula sa pamilyang mahirap. Noong siya ay nagaaral pa lamang sa elementarya at sekondarya, hindi naman siya nagpakita ng kagalingan pero ipinakita niya ang pagtitiyaga sa pag-aaral. Sa murang edad, natuto na siyang maghanap ng paraan upang mabuhay. Nagmamadali siya sa madaling araw upang tumulong sa kanyang tatay sa pag-aararo para makapasok pa nang maaga sa paaralan at sa hapon naman siya’y nagmamadaling makauwi dahil sumasama pa siya sa pangingisda sa kanyang tiyuhin para may pambaon kinabukasan. Hindi naging hadlang ang kahirapan sa kanyang pagtatapos sa elementarya at sekondarya.
Sa kolehiyo, buong-puso niyang pinursige ang sarili upang makapagtapos ng pag-aaral kahit kinapos ang pamilya sa dahilang walang magandang pinagkakakitaan ang mga magulang niya. Kaya sa araw, siya ay nag-aaral at sa gabi naman ay nagtatrabaho bilang “waiter” sa isang restawran. Sa kabutihang palad, nakatapos siya ng kursong Bachelor of Elementary Education at nakapasa naman agad ng Licensure Examination for Teachers. Nang siya’y naging guro na, ipinakita pa rin niya ang kasipagan at tiyaga kaya nakamit niya ang promosyon bilang isang Superbisor ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Naging matagumpay si Pablo sa napiling propesyon. Siya ang naging huwaran sa kanyang pamilya maging sa kanilang pamayanan.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan sa kwento?
_____________________________________________________
2. Anong katangian ang ipinapakita niya sa pag-aaral?
______________________________________________________
3. Ano ang kanyang kasalukuyang propesyon?
________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, dapat ba siyang tularan? Bakit?
______________________________________________________
5. Kung ikaw si Pablo, paano mo mapapaunlad ang iyong sarili?
______________________________________________________
Share
Answer:
1.si pablong matiyaga
2.tiyaga at pagsisikap
3.Siya ay naging guro at sa pagsisikap niya na promosyon sya bilang superbisor ng EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
4.Oo, dahil dapat katulad din nya nagsisikap din tayong makapagtapos ng pag-aaral , kaya dapat natin syang tularan
5.Kung ako si Pablo magsusumikap pa ako upang mas lalo kong makamit ang lahat ng aking pangarap.
FOLLOW me
#staysafe