sino ang May akda ng liriko ng ating pambansang awit na hango pa sa isang tulang pinamagatang FILIPINAS
a. Juan Luna
B. Jose Palma
c. Julian Felipe
d. Antonio Luna
Share
sino ang May akda ng liriko ng ating pambansang awit na hango pa sa isang tulang pinamagatang FILIPINAS
a. Juan Luna
B. Jose Palma
c. Julian Felipe
d. Antonio Luna
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Liriko ng Lupang Hinirang
Ang may akda ng liriko ng ating pambansang awit na hango pa sa isang tulang pinamagatang “Filipinas” ay si Jose Palma, kaya ang tamang sagot ay letrang B.
Explanation:
Ang Lupang Hinirang, o kilala rin sa Kastila bilang “Marcha Nacional Filipina”, ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ang musika nito ay kinompose ni Julian Felipe noong 1898, at ang mga liriko naman ay nagmula sa tulang “Filipinas” ni Jose Palma, na isinulat noong 1899. Ang pambansang awit ng Pilipinas ay kinomisyon ni Emilio Aguinaldo noong Hunyo 5, 1898, upang patugtugin sa Kawit, Cavite kahit na wala pa itong mga liriko noon. Taong 1907 noong ipagbawal ng mga Amerikano ang pagpapatugtog sa Lupang Hinirang, ngunit binawi ang kautusang ito noong 1919. Simula noon, patuloy na dumami ang nagnanais na gawing pambansang awit ang Lupang Hinirang.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Lupang Hinirang, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/102315
#BrainlyEveryday
Sino ang may akda ng liriko ng ating pambansang awit na hango pa sa isang tulang pinamagatang FILIPINAS
B. José Palma
Si josé Palma y Velásquez ay isang Pilipinong makata at sundalo. Siya ay nasa tauhan ng La independencia noong panahong isinulat niya ang "Filipinas", isang tulang makabayan sa Espanyol. Ito ay nailathala sa unang pagkakataon sa isyu ng unang anibersaryo ng La independencia noong Setyembre 3, 1899.
#STUDY MORE