Sino o ano ang pinagmulan ng pinakaunang tao ayon sa Teoryang Ebolusyon?
Share
Sino o ano ang pinagmulan ng pinakaunang tao ayon sa Teoryang Ebolusyon?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng species na homo sapiens (tao). Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasaklaw lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang paglitaw ng homo sapiens bilang isang species ng genus na Homo. Ang ebolusyon ng tao ay sinusuportahan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang henetika, antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, at embryolohiya.
Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa pakikipaghiwalay ng tao sa karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo(paglalakad gamit ang dalawang hita), pagsasalita, nawalang balahibo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, at lumiit na dimorpismong seksuwal.[1]
Ang mga pagbabagong ito sa modernong tao ay resulta ng mga mutasyon sa kromosoma o DNA na napili sa ninuno ng tao sa pamamagitan ng natural na seleksiyon sa paglipas ng napakahabang panahon. Ang mutasyon ang pareho ngunit hindi ang tanging mekanismo na nagpalitaw sa mga iba ibang species na makikita sa mundo ngayon.