sipi mula sa suntan Romeo and Juliet paglinang ng talasalitaan
Share
sipi mula sa suntan Romeo and Juliet paglinang ng talasalitaan
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Explanation:
Aralin 2.2
A. Panitikan:
Sipi mula Sintahang
Romeo at Juliet (Dula mula sa England) ni William Shakespeare Salin ni Gregorio C. Borlaza
B. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Pokus sa Pinaglalaanan at Pokus sa Kagamitan sa Pagsulat ng Sariling Damdamin
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Panimula Pagkatapos mong pag-aralan ang tulang nagmula sa Inglatera na naglarawan sa wagas at walang kamatayang pag-ibig ng isang babae sa kaniyang sinisinta, pasukin naman natin ang nakalulungkot na romansa ng dalawang kabataang lihim na nagmahalan subalit humantong sa kasawian.
Pasukin mo ang daigdig ng panitikan ng bansang England nang lubos mong maunawaan ang mga pangyayari sa pinakadakilang obra ni William Shakespeare na Romeo and Juliet. At upang mabigyan ka ng kaunting kaalaman ukol sa bansang pinang-galingan ng akdang pampanitikang ito, narito ang ilang impormasyong dapat mong malaman.
Ang England ay isang bansa na bahagi ng United Kingdom. Kahangganan nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran. Sakop ng bansa ang higit sa gitna at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya na nasa Hilagang Atlantiko at higit 100 maliliit na pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle of Wight.
Kung sa panitikan naman, ang pagsisimula ng panitikan ng England ay masasalamin sa epikong Beowulf noong ika-8 hanggang ika-11 siglo na itinuturing na pinakatanyag na obra nito. Isa pa sa pinakamahalagang akdang napatanyag sa larangan ng panitikan dito ay ang The Canterbury Tales na akda ng manunulat na si Geoffrey Chaucer (1343-1400).
Ito rin ang sinasabing akda na may malaking impluwensiya kay Dr. Jose P. Rizal upang sulatin ang dakilang obra nito na Noli Me Tangere. At noong huling mga taon sa pagitan ng ika-16 hanggang ika 17 na siglo sa panahon ng Renaissance ay napatanyag ang mga pamosong mandudula tulad ni Ben Jonson, John Donne at William Shakespeare
Si William Shakespeare(1564-1616) ang itinuturing na pinakadakilang manunulat sa wikang Ingles. Sinulat niya ang mga tanyag na dula tulad ng Julius Caesar (1599-1600) at Anthony and Cleopatra (circa 1606-1607) na hinango niya mula sa kasaysayang Greek at Roman.
Ang Aralin 2.6 ay naglalaman ng “Sintahang Romeo at Juliet” na hango sa Romeo at Julieta ni Gregorio C. Borlaza sa orihinal na akdang Romeo at Juliet ni William Shakespeare. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa Wastong Gamit ng Pokus sa Pinaglalaanan at Pokus sa Kagamitan na makatutulong sa pagsulat ng damdamin at Sa daloy ng aralin, inaasahang masasagot nang may pag-unawa ang mga pokus na tanong na: Paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa; at Paano nakatutulong ang pokus sa pinaglalaanan at pokus sa kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magiging bahagi ng pagtatanghal ng isang dulang trahedya na naglalarawan sa kultura ng isang bansa na may kaugnayan sa tema ng binasang akda. Mamarkahan ka ayon sa sumusunod na pamantayan: a.) kaangkupan sa tema/paksa, b.) orihinalidad/ sining at estilo ng paglalarawan, c.) kaaliwan, at d.) kasuotan/props/musika Aalamin din natin kung paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa. Gayundin, kung paano nakatutulong ang pokus sa pinaglalaanan at sa kagamitan sa pagsulat ng sariling damdamin at saloobin.
Yan lang po hanapin nyo nalang ang sagot nyo. salmat po sa points hehe. :)