Subukin Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ng Tama o Mall ayoni sa iyong pagkakaunawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Gumagamit ng dinamita ang aking tiyuhin sa paghuli ng malalaking isda kaya marami siyang nahuli at naibenta sa palengke. 2. Laging nagsusunog ng mga basurang plastic ang ate ko dahil ayaw niya ng maraming kalat sa aming bahay. 3. Nililinis ang paligid at ibinabaon sa lupa ang patay na hayop na nakita sa paligid ng aming barangay upang hindi makapagdulot ng sakit sa mga tao. 4. Maraming mga taong naninirahan sa taas ng bundok ang nagkakaingin, pinuputol at sinusunog ang mga malalaking kahoy at tinataniman nila ng palay ang lupang nalinis na. 5. Dapat ay palitan ang mga kahoy na pinutol na upang magkaroon ulit ng panibagong puno na magagamit sa pagdating ng panahon. 6. Mamamasyal kami ng aking pamilya sa Yamang Bukid. Pipitas ako ng mga halaman doon ng hindi alam ng may-ari upang itanim sa aming bahay. 7. Isasara ko ang gripo at gagamit ako ng baso kapag magsisipilyo ng ngipin upang makatipid kami sa tubig. 8. Bubuhusan ko ng tubig at sisiguraduhing patay na ang apoy bago ako aalis ng camping site upang maiwasan ang pagkalat nito at di makapinsala. 9. Mamimili ako ng sapat na dami na kayang ubusin ng aking pamilya upang maiwasan ang kakulangan ng supply at makabili ang lahat ng mga mamimili. 10. Ihihiwalay ko ang mga basurang Nabubulok at Di Nabubulok at irecycle ang mga basurang maaari pang gamitin upang maiwasan ang pagkalat nito.
Share
Answer:
1.Mali
2.Mali
3.Tama
4.Mali
5.Mali
6.Mali
7.Tama
8.Tama
9.Tama
10.Tama
Explanation:
' .