Subukin
GAWAIN 1
Upang magkaroon ng hamon sa sarili ay subukin mo muna ang iyong sarili.
Ang paunang pagtataya sa modyul na ito ay mayroong dalawang bahagi: ang
unang bahagi ay susukat ng dati mong kaalaman sa konseptong pag-aaralan at
ang ikalawang bahagi ay susukat ng iyong kasalukuyang kakayahan sa
pakikipagkapwa.
Mahalaga ring maunawaan mo na kung anuman ang maging resulta ng paunang
pagtatayang ito, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay sa iyo ng marka, kundi
isang mahalagang pagbabatayan ng iyong pag-unlad.
Unang Bahagi: Paunang Pagtataya ng kaalaman sa mga Konsepto ng
Pakikipagkapwa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng
pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na
panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan
b. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.
2. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay
a. nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
c. pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
d. pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
3. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa
a. kakayahan ng taong umunawa
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
c. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
d. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
4. Ang pagkakaroon ng iba't ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng
bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.
a hanapbuhay b. libangan c. pagtutulungan d. kultura
Share
Answer:
1 a
2 c
3b
4c
Explanation:
i think this is the possible answer just don't trust me