Sumulat ka ng isang tula tungkol sa alinman sa napiling uri ng pag-ibig (kapwa, bayan, kalikasan). Ang tulang iyong bubuoin ay nakabatay sa mga sumusunod na mekaniks.
Share
Sumulat ka ng isang tula tungkol sa alinman sa napiling uri ng pag-ibig (kapwa, bayan, kalikasan). Ang tulang iyong bubuoin ay nakabatay sa mga sumusunod na mekaniks.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ika'y tumunghay at igala ang paningin Munti mong daigdig sikaping palawakin, Sa wari hindi mo nadarama man din. Paghihirap ng kapwa sa paligid natin.
May ibang may tahanan ngang naturingan Ngunit tinig ay bahaw na sa labis na kagutuman, Ama't ina'y walang tiyak na pagkukunan Puso'y nawawasak tuwing bunso'y pinagmamasdan.
Ni minsan ba'y naranasan mo nang mabasa Maginaw, mamaluktok sa maliit na dampa O kaya'y maanod habang himbing sa pagtulog At biglang magising sa labis na pangangatog?
Bagaman sa dugo'y walang relasyon Sila nama'y kapatid kay Jesus na Panginoon. Huwag sanang pumikit, mata mo ituon Maging bukas-palad sa biktima ng pagkakataon
Isa kang bayani, o nilalang na matulungin Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin, Trumpeta ng kagalakan sa iyo'y tutugtugin Diyos na lumikha ikaw ay pupurihin