Sumulat ng isang liham na hihimok sa iyong kababayan na huwag magkaroon ng colonial mentality.
Share
Sumulat ng isang liham na hihimok sa iyong kababayan na huwag magkaroon ng colonial mentality.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sa pagpapalit ng bagong pangulo ng bansa marami ang umaasa ng pagbabago; pagbabago sa sistema ng gobyerno, sa ating pamumuhay, sa ekonomiya at sa marami pang iba. Nabuhay na muli ang pag-asa ng mga Pilipino na matagal ding natulog at naudlot. Ang penomenal na pag-upo ng bagong pangulo ay nagdulot sa Pilipino ng kakaibang damdamin patungkol sa bago at mabuting Pilipinas na hindi natin naramdaman sa mga nakalipas na namumuno. Ngunit ano ba ang pwede nating gawin para makasabay sa pagbabagong nais natin? Ano nga ba ang ugaling Pinoy na dapat nang baguhin?
Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali mo o maaring nagawa mo na ng hindi mo sinasadaya o namamalayan. Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito ay sadyang nasa dugo na ng Pinoy. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tayong mga Pinoy ay hirap na umasenso gayun din ang bansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito malaki ang possibility na magbago rin ang kalagayan ng bansang Pilipinas. Read on.
Colonial Mentality – May pag-asa pa naman siguro na matanggal sa’tin ang kaugaliang ito. Ito yung ugali natin na kapag sinabing imported ay maganda ang quality. Mayroon din naman tayong mga sariling mga produkto na matino din naman pero mas ma-appeal talaga ‘pag sa ibang bansa ang produktong gamit mo. Bukod sa piracy, heto rin yata ay isa sa mga dahilan kung bakit lugmok ang Industiya ng Pelikula natin dahil sa mga high-tech Hollywood Movies, ganun din ang ating Music Industry hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung bakit sumikat sa Pilipinas ang mga grupo ng K-Pop. D’yan naiiba ang mga Hapon at Koreano, maunlad ang bansa nila dahil ang kanilang mga leader nila ay may drive & initiative to promote and use their local products. Ang mga brand na Samsung, LG, Sony, Mitsubishi, etc. ay Korean/Japan products na lubos na tinatangkilik ng kanilang mamamayan compared to its imported competitors. Kaya pati mga teleserye natin ngayon ay base sa mga korean novela or latino drama, hindi ba natin kaya gumawa ng sariling istorya at kailangang i-adopt pa natin ang kanilang mga ideas? Ilan na ba sa’tin ang pumabor sa local na Myphone kaysa Nokia? Bibili ka ba ng Accel na sapatos kung meron namang Nike o Adidas? Mabuti na lamang at mayroon pa ring mga local products/establishment na angat compared sa imported na competitor ilan dito ay; Bench, Jollibee, Greenwich, etc.
Explanation: