Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa karanasan mo sa nangyayari ngayon
sa ating paligid dahil sa epekto ng pandemyang covid 19. Gumamit ng pandiwa
sa iyong pagsasalaysay at isaalang-alang ang tamang aspekto sa paggamit nito.
Isulat sa isang malinis na papel.
Share
Answer:
Marami akong naranasan ngayong may Coronavirus Disease 2019 o matatawag na COVID- 19. Marami ang nag-alala at naghirap dito dahil libo-libo na ang namatay ngayong pandemya. May mga maaari tayong gawin upang maiwasan nating magkasakit. Una, kinakailangang at dapat hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. Pangalawa, iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig dahil madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Pangatlo, takpan ang iyong ubo at bahing . Pang-apat, iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo . Panglima, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit . Pang-anim, kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility. Panghuli ay kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.