Sumulat ng isang malayang tula na nagpapahayag ng iyong pag-iwas sa paglabag sa paggalang.
Maaaring para ito sa iyong magulang, sa mga nakatatanda o sa awtoridad na binubuo ng dalawang (2) saknong na may tig-apat (4) na taludtod. Lagyan ito ng pamagat.
Share
ANG TURO NG AKING MAGULANG
Ang turo ni inay matatanda'y igalang
sa usapan ay huwag na huwag haharang
Mag po at opo naman ang sabi ni itay
pag may nag uusap matutong maghintay
Sa paglipas ng panahon ito'y aking dala
mga turo nilang sa aki'y mahalaga
Sa aking sarili'y nakabaon ang paggalang
aking isinapuso ang turo ng aking magulang